"Magkagalit ba kayo ng Kuya Troy mo?" tanong ng Mama ni Ariana nang maiwan silang mag-ina sa komedor. "Ho? H-hindi naman ho..." "Kung anuman ang pinagkatampuhan niyong dalawa ayusin niyo kaagad. Iisang pamilya lang tayo dito kaya hindi maganda na may hindi pagkakaunawaan na pinatatagal, anak." Nagulat din siya sa biglaang pagtabang ng pakikitungo sa kanya ni Troy. At siguradong halata ng Mama niya 'yun dahil nasanay na ang mga ito na palagi silang nagbibiruan kahit saang parte ng bahay. Kanina ay ni halos ayaw siyang tingnan ng Kuya Troy niya. Naiintindihan naman niya kung bakit. Para tuloy siyang maiiyak ngayon. Kasalanan naman niya dahil kagabi ay okay pa sila. Ngayong umaga lang talaga sumagi sa isip niya ang lahat nang mawala ang epekto ng alak sa katawan niya. Paano niya haharap

