Umahon na si Ariana nang mababad na siya sa tubig pero wala pa rin si Troy. Kunsabagay ay wala pang alas nueve. Pero baka hindi naman talaga maliligo si Troy sa pool hangga't naroon siya. "Bakit hindi ka pa kumakain?" Napapitlag siya nang magsalita si Troy sa likod niya habang nagpupunas siya ng buhok. Papunta pa lang siya sa shower room dapat. "W-wala akong gana." "That's very unlikely of you. Lagi ka namang may ganang kumain." Doon pa lang siya lumingon kay Troy na makahubad pala ang pang-itaas na damit. Naka-swimming trunks din itong handa nang lumusong sa pool. May inuubos lang itong alak sa basong hawak. "B-bakit ka nandito? Di ba may lakad kayo ni Ivory?" "Wala kaming lakad Ivory, kami ni Duke sana ang mayroon." "Bakit nga nandito ka." Itinuloy niya ang pagpupunas ng

