"Sana sinabi mo ikaw na ang sasakay sa helicopter," biro ni Luis na pinandilatan ng mata ni Troy. Kinuha niya ang telepono sa kamay ni Ariana saka pinabalik na sa ginagawa. "Don't mind them. Wala lang magawa ang mga 'yan kaya ikaw ang pinagdiskitahan. Doon mo nga gawin sa office ko 'yang logo na 'yan. O kaya sa bahay na lang." "Do you want to ride the helicopter, Ariana? " pahabol na tanong ni Duke. "Shut up." "Ikaw na yata ang gustong kasama niyan hindi na si Camille," malakas pang wika ni Raphael na halos pasigaw na dahil palabas na sila sa computer lab. Napapailing na lang siyang pinipigil ang tawa sa biro ng mga kaibigan. Inihatid niya si Ariana sa opisina niya para doon na lang siya hintayin. Kapag hindi niya inalis ang dalaga sa computer lab ay madudumihan ang isip nito wala

