Mansyon ang bahay ng Uncle Jim niya kahit ito lang ang nakatira doon at si Troy. May dalawang katulong at isang security guard na siyang hardinero na rin. Lima ang silid ng bahay at may library pa. Syempre dahil kasal na ang Mama niya kay Jim, magkasama na sa isang kwarto ang dalawa. Siya naman ay sa isang malaking silid pinatuloy. May balkonahe at sariling banyo doon. Hindi naman maliit ang bahay nila sa Baguio pero hindi kasing grande ng ganito. Tuwang-tuwa siyang inilagay na ang mga gamit sa cabinet. Pagkatapos ay ibinagsak niya ang sarili sa napakalambot na kama. Nakapikit siya habang nagmumuni-muni. Ang sabi ng Mama niya ay sa susunod na buwan na siya maghanap ng trabaho kapag nakabalik na ang mga ito sa honeymoon. Tamang-tama, kailangan niyang mag-driving lesson at kabisaduhin ang

