"What? Anong kalokohan 'to, Ma?" Kagagaling lang sa school ni Ariana nang sabihin sa kanya ng ina na magpapakasal ito at si Jim na long-time boyfriend nito. "Kalokohan? Hindi iyon kalokohan, anak. Halos isang taon na kami ng Uncle Jim mo at masaya kami sa relasyon natin." "Exactly. Masaya naman kayo sa ganyang setup bakit kailangan niyo pang magpakasal?" Hindi ang pagpapakasal ng Mama niya ang ikinaiinis niya ngayon kung hindi ang ibinalita nito na sa Maynila na sila titira. Ilang araw na lang ay graduation niya na. Hinintay lang daw nito na maka-graduate siya sa kolehiyo para hindi maputol ang pag-aaral niya. Pero ayaw niyang umalis sa Baguio. Nandito ang mga kaibigan niya. May a-apply-an na rin siyang ttabaho pagkatapos. Nandito ang mundo niya. Ayaw niyang mabago ang buh

