Anastasha's Point of View "Hindi po ba sinabi kong wag mamadaliin kumain si Lander?" Singhal ko sa yaya niya. 20 years old pa lang ang yaya niya kaya medyo pabaya. Actually hindi naman siya ganyan noong una. Mula noong binilhan siya ng cellphone ni Kenneth naging pabaya na sa anak ko. Nagmamadali siyang tapusin ang gawain niya para makapagbabad na siya sa cellphone. " Ako na dito, lumabas ka na muna." Pigil sa akin ni Kenneth. Sumaglit lang siya dito pagkatapos niyang makipagusap sa Daddy niya. Kinuwento niya sa akin ang ilang nangyari actually sa mama niya narinig ko lang. "Hindi! Alam mo namimihasa siya dahil napakahinahon mong pagsibahan. Ang dami ko ng binilin sa kaniya pero ano ito na naman. Mauunawaan ko pa kung nagsuka si Lander dahil may sakit pero iyang nagsuka siya dahil

