Anastasha's Point of View "Oo nga anak ko nga lang pala!" Ulit ko sa sinabi ni Kenneth. Nauunawaan ko kung bakit siya nagagalit sa akin pero hindi ko maunawaan kung bakit kailangan niyang ipamukha sa akin na anak ko lang ang si Lander. Well, totoo naman anak ko lang si Lander na pinaako ko sa kaniya. Kahit totoo hindi ko maiwasan ang hindi masaktan kapag ganitong pinapamukha sakin ang pagkakamali. I'm not saying that lander is a big mistake of my life. What i mean is kung hindi dahil sa padalusdalos kung desisyon baka wala akong problema ngayon. Nagpatung-patong na ang problema ko dahil sa pagiging ambisyosa ko. "Pasensya na. Dahil kasi sa pagpupumilit mong magtrabaho napapabayaan mo ang sarili pati ang bata. Gusto ko lang ipasok sa isip mo na hindi ka na bata, hindi na lang buhay

