Anastasha's Point of View Makalipas ang tatlong taon... Nag-focus ako sa pagaalaga ng anak ko dahil premature baby siya doble ingat kami. Nandyan si Mama Mitch para alalayan ako. Dahil din sa pagiging abala ko sa anak ko nakalimutan ko si Kenneth. Abala din siya sa pagtatrabaho sa bukid at pagbibigay ng mga kailangan namin ng anak ko. Hindi ko alam pero sa loob ng tatlong taon wala kaming ibang ginawa kundi ang ibigay ang gusto at makakabuti sa anak ko. Anak niya tinuring ang anak ko hindi siya nagbago kahit lumalaki ang anak kong hindi nakikita ang pagkakatulad nila bilang magama. Ang laging sinasabi ni Mama Mitch ay dahil mas nagmana daw ito sa Daddy ni Kenneth. Palaging umuuwi ng Manila si Kenneth dahil sa business na pinapatakbo niya doon. Sa loob ng tatlong taon walang ora

