Anastasha's Point of View Lumalaki na ang tyan ko. Nandito pa din kami sa farm ng Mama ni Kenneth. Tulad ng napagusapan namin dati hindi na namin binabanggit ang bagay na iyon. Hindi nagbago si Kenneth, kung paano niya ako itrato at alagaan noong una ay ganoon pa din siya hanggang ngayon. Inaalagaan niya kaming dalawa ng baby ko. Sa umaga ay maaga niya akong ginigising para makapaglakad kaming dalawa. Isa iyon sa kabilin-bilinan ng doctor. Kailangan ko ng sikat ng araw sa umaga para hindi ako mahirapan ilabas ang baby ko. Pagkatapos naman ay papaupuin niya ako sa garden habang sila ng Mama niya ay dinadala ang mga pagkain sa table na nasa harapan ko. Masasabi kong sobrang swerte ng anak ko dahil may taong inaalagaan siya ng sobra wala pa man siya sa mundo. Ngunit hindi ko maiwasan

