KABANATA : Wedding Announcement Isang linggo na simula nang makauwi si Kenneth galing sa Maynila matapos itong tawagan ni Kianna sa telepono. At hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakakuha ng tiyempo kung paano uusisain kung ano ba talaga ang ipinunta niya doon. Alam ko. Hindi ako magiging ganito ka-interesado sa pakay niya sa pagluwas sa Maynila kung hindi ko narinig ang pangalan ni Quevin. May munting pag-asa pa rin talaga sa puso ko na baka ako ang binalikan niya sa bar. Na baka kahit isang segundo nagawang sumagi sa isip niya ang pangalan ko at maalala niya ang pag-aalaga ko, kahit nasa tabi niya na si Claire. Kenneth showed me his pure love, affection, and kindness, that sometimes I felt sick thinking I was being so unfair to him. But what I can do? If only heart could be t

