Anastasha's Point of View Tulad ng gusto ni Mama Mitchy, nagpatayo siya ng maliit na tindahan sa harapan ng bahay malapit sa mga daanan ng tao at kalsada. Malawak ang kusina para makakilos ng maluwag ang cook namin at pinalagyan niya din ng magandang sofa para sa akin, maliit na table sa ganoon makikita ko lahat ng ginagawa sa kusina at mga nilalabas pasok na pagkain. Natatawa talaga ako kung gaano ka excited si Mama na maisakatuparan ang gusto niya. "Ma, ang dami na masyado nito. Akala ko ba kaunti lang?" Reklamo ni Kenneth ng dumating si Mama Mitchy na dala ang cart niya. Puno ito ng iba't ibang sukat ng kaserola, kaldero, plano at mga electric appliances for cooking. "Bakit may ganito pa? Ee may rice cooker na tayong malaki." " Wag ka ngang panira. Masama sa negosyo yan! Binili ko

