Anastasha's Point of View Abala ako ngayong naggagayat ng sibuyas, bawang at ibang rekadong gagamitin sa paghahanda ng lumpiang Shanghai. Mahilig naman talaga akong magluto noon pa man. Alam ko lutuin ang iba't ibang putahe, lahat iyon natutunan ko sa panunuod ng vedios noong nasa probinsya pa ako namin. Sobra ko kasing hinahangaan ang iba't ibang restaurant sa manila. "Hindi ka pa ba pagod?" Sumulpot si Kenneth mula sa likuran ko. Niyakap niya ako pero sa tyan ko siya humawak. Umiling ako bilang sagot sa kaniya. " Si baby? Hindi pa ba napapagod iyang baby ko?" Tanong niya sa baby bump ko at umupo pa. "Hahaha, syempre hindi pa siya napapagod. Hindi naman mabigat ang ginagawa namin isa pa katuwang ko naman si Aleara dito. Tingnan mo siya enjoy na enjoy sa paghahalo habang nakikinig sa

