KABANATA 29 Hindi na maalala pa ni Lui kung paano siya nakarating sa ampunan. Kung gaano katagal ang binyahe niya sa pag-uwi. Ang tanging naalala niya lamang ay ang hirap ng pagdesisyon niya kung paano iwan ang tulog na Sancho sa gitna ng gabi. Kung paano ihahakbang ang namimigat na mga paa palayo rito. He gave Sancho one last kiss before he finally turned his back and leave him. Lui’s only final wish is for Sancho to be happy… even without him. Iyon na yata ang pinakamahirap na desisyon na nagawa ni Lui sa buhay niya. “Lui?” gulat na utag ng mga madre nang makita siya. Sino ba naman ang hindi magugulat bukod sa umuwi siya ay sa kalagitnaan pa ng gabi? Hindi na niya nakaya ang bigat ng dibdib noon. Kaagad siyang yumakap sa mga tinuring niyang ina. Ang mga taong nagpalaki sa kaniya at n

