Chapter 27

1278 Words

Napaigtad si Lorie nang maramdaman ang mainit na kamay sa likod niya. Nang lumingon siya ay nakita niya si Choi na nakalimutan niyang nasa bahay pa pala niya. Magkahalong iritasyon, simpatya at iba pang emosyon ang nakita ni Lorie sa mga mata ng binata. Humugot si Choi ng malalim na hininga at saka siya hinarap nito. Napakurap si Lorie nang umangat ang isang kamay ni Choi at marahang pinahid ng mga daliri nito ang mga luha sa mga pisngi niya. “Pasensiya ka na, nakalimutan kong ipakilala kayo ni Maja kay Ate,” wika ni Lorie na pilit ginawang normal ang tinig. Humugot si Choi ng hininga bago siya hinalikan sa tuktok ng ulo niya. “You are too kind, Lorie. Puwedeng hindi ka pumayag sa gusto niya. Dapat nagalit ka na pagkatapos ng mahabang panahon ay bigla na lang siyang susulpot para kunin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD