ANG mga sumunod na araw ay magkahalong lungkot at saya para kay Lorie. Dahil bilang na lamang ang mga araw ng pagsasama nila ni Kai ay hinayaan siya ni Choi na huwag munang magpunta sa bahay nito. Si Choi na raw muna ang bahala kay Maja kahit na alam ni Lorie na siguradong mai-stress na naman ang binata sa pag-aalaga sa bata. Nakilala ni Lorie si Akihito, ang asawa ng ate niya, at napagtanto niya na mabait naman ang hapon. Alam niya na maaalagaan nito ang ate niya at si Kai. Kahit ang bata na noong una ay takot kay Akihito ay napalagay rin ang loob dito sa loob lamang ng dalawang araw. Nalulungkot si Lorie na mawawalay na si Kai sa kanya at hindi niya alam kung kailan niya makikita uli ang bata pero ang kaalamang magkakaroon ito ng maayos na buhay sa piling ng ate niya at ni Akihito ay s

