Chapter 62: Jay

1598 Words

Napapasinghap ako sa tuwing tumatama ang mga kamao ni Imperius kay Yuri. Nangangatog na nga ako habang pinapanuod ang mga higanteng anyo nila na nagtatagisan ng lakas ngunit mas nakakagimbal sa akin ang makita silang naglalaban at halos magpatayan na. Ang isa pang nakakatakot sa sitwasyon ko ngayon ay kasama ko ang mga anghel at ang mga demonyo pati na rin ang mga Nephalem na kauri ni Yuri at ang mga Nephalim na kauri naman ni Marco. Bukod pa roon ay ang presensya ng Diyos na tulad namin ay pinapanuod din ang paglalaban nina Yuri at Imperius. Oo. Nakikita ko ang tunay na anyo nila maliban sa Diyos na tanging ang maliwanag na ilaw lang ang aking nakikita. Isa iyon sa ipinagyayabang ni Imperius sa akin na regalo raw niya nang kunin niya ako nang sapilitan. Nais niyang makita ko ang kanya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD