Kinakabahan akong napatingin sa kinaroroonan nina Yuri at Imperius. Nakita ko silang magkaharap pa rin. Pareho na malalalim ang bawat paghugot nila ng kanilang hininga. Parehong may mga sugat sa ilang parte ng kanilang katawan na dinadaluyan ng matingkad na ginintuan nilang dugo. Halata ang pagod sa kanilang mukha. Ngunit mababasa sa kanilang mga mata ang mas lalo pang pagtingkad ng kanilang determinasyon na talunin ang isa't isa at tapusin na ang laban. Ilang ungol ang nagpalingon sa akin. Ilang mga anghel, demonyo, Nephalem, at Nephalim ang nasa lupa pa. Ngunit ang nakalulungkot, ang ilan ay sunog na mga bangkay na lang sa lupa. Hindi ko napigilan ang pamunuan ng mga luha sa aking mga mata. Naiisip ko na ang maramdaman ng kanilang mga mahal sa buhay kapag babalik silang mga abo na l

