Chapter 45

1255 Words

Ilang oras pa ng paghihintay ang dumaan bago tuluyang nagising si Marco. "Marco!" Halos sumigaw sa tuwa si Remniz habang tinutulungan itong makabangon para makaupo. Kitang-kita ko rin ang labis na saya sa mga mata ni Marco habang tinatanggap ang yakap sa kanya ng babaeng Martian. Lihim akong napangiti. Mukhang magpapaiwan si Marco sa planetang ito pagkatapos naming labanan si Imperius. "Remniz, masaya akong makita kang muli sa aking paggising," bulong ni Marco sa dalaga. At bago pa sila magkaiyakan ay lumapit na ako sa kanila. "Kumusta ang pakiramdam mo, Marco?" Dali-daling nagmulat ng mga mata si Marco nang marinig ang boses ko. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya akong nakatayo sa kanyang harapan. "Y--yuri?" tawag niya sa aking pangalan at waring tinitiyak pa niya ku

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD