Chapter 44

1217 Words

"Paano kayo nagkakilala ni Marco?" Umupo ako sa isang tabi at pinanuod ang pag-aasikasong ginagawa ni Remniz kay Marco. Kahit wala itong sugat at malalim ang paghinga dala ng pagkakahimbing, alalang-alala pa rin dito ang dalawang Martian. Dinala kami nina Remniz sa isang kuweba at doon ko nakita ang iba pang mga kalahi nila na karamihan ay mga matatanda, mga kababaihan, at mga bata. Kung may mga lalaki man ay mangilan-ngilan lamang sila. Kaagad nilang inihiga si Marco sa isang matatawag kong kuwarto dahil pribado iyon at kami-kami lang ang naroon. May tila higaan doon na gawa sa bulak. Ito ang bersyon ng kama ng mga Martian. Ibinaba ko naman si Lucian sa katabi nitong higaan. Ngumiti si Remniz na hindi lumilingon sa akin. Bagkus ay nagpatuloy lang ito sa ginagawang panunuod sa pagtu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD