Chapter 43

1301 Words

"Yuri, magpahinga naman tayo." Humihingal na ibinaba ni Lucian si Marco na hanggang ngayon ay wala pa ring malay at saka siya pabagsak na naupo sa tabi nito. "Malalim na ang gabi. Baka naman pwedeng magpahinga o kaya ay matulog naman tayo kahit ilang oras lang." Iiling-iling na lumapit ako sa kanila pagkatapos kong bumalik sa normal kong anyo at nang matiyak kong tahimik ang paligid ay naupo na rin ako. "Parang ikaw ang ilang beses na nakipaglaban sa mga Nephalem kung makapagsabi kang pagod ka, ah," pangangantiyaw ko sa kanya. Sumimangot siya sa akin. "Kahit hindi ako nakipaglaban, napagod naman ako sa ilang oras na pagbubuhat dito sa kaibigan mong mabigat. Bakit ba kasi hindi pa ito magising nang makapaglakad na nang sarili niya at nang makatulong naman kami sa'yo?" Naainis ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD