YURI "So you've met the legendary Imperius," buong kaseryosohang sabi ni Marco at tumango ako sa kanya. "Damn! I can't believe it! Hindi ba at bawal siyang tumapak dito sa lupa?!" hindi pa rin makapaniwalang sambit niya. "You know he's a rebel. At ang mga katulad niya ay kung kailan pinagbabawalan ay lalong hindi sumusunod. Hindi ba at iyon din ang rason kung bakit umalis siya sa Sanktuaryo?" "At gusto niyang sumama ka sa kanya para matupad na ang matagal na niyang gusto." Nagkibit-balikat ako sa kanya. "He tried convincing me but I said no." "Kahit na. Kailangan itong malaman ng iyong ama, Yuri." "And what could be do? Alam mong pantay lang sila ng kapangyarihan. Yes, he couldn't compel my father but he can compel the angels protecting him. Mas mabuti nang hindi niya muna alam upa

