Hanggang ngayon ay napakabigat pa rin ng dibdib ko dala ng sobrang takot ko sa mga oras na nalulunod si Yuri. Kaya naman kinalimutan ko na ang lahat ng hiya na meron ako at patakbo nang sumalubong sa kanila ni Marco. Hindi na rin ako mahiyang yumakap sa kanya at umiyak sa dibdib niya. "Jay, calm down. I'm okay," pagpapatahan niya sa akin. Pinatahan ko naman ang sarili. Hindi naging madali lalo at malalakas pa rin ang pagtibok ng puso ko ngunit nang gumaan na ang pakiramdam ko ay naninitang tumingin ako sa kanya. "Akala ko ba ay magaling kang lumangoy? Bakit bigla ka na lang nalunod kanina?" Napatingin muna siya kay Marco bago muling tumingin sa akin para sagutin ang tanong ko. "Pinulikat iyong paa ko." "'Wag mo nang pagalitan si Bossing, Jay. Ang mabuti pa ay bumalik na tayo sa co

