"Jay..." "B--bakit?" kabado kong tanong. "Sorry kung umiyak ka kanina dahil sa akin," mahina niyang sabi ngunit rinig na rinig ko ang bawat kataga. Humarap ako sa kanya. Nang maramdaman niya iyon ay umayos din siya ng puwesto paharap sa akin. "Wala kang kasalanan, Yuri. Sobrang nakatakot lang talaga ako sa nangyari sa'yo kanina," pag-amin ko sa kanya. "Does it mean that you already care for me?" Napatingin ako sa kanya dahil sa katanungan niyang iyon. "Yuri, dati pa naman mula nang maging kaibigan kita." "So you worry about me because I'm your friend? You've cried because you're my friend." "O--oo. Lahat naman ng kaibigan ko ay iiyakan ko kung may mangyayari sa kanilang masama. Kung kay Marco mangyayari iyon ay iiyak din ako." "How about letting me hold you hand while we're a

