Mabilis lang ang naging biyahe. Ganon naman kapag pabalik na pauwi. Masakit man ang buong katawan ko ngunit dahil sa manaka-nakang pisil na ginagawa ni Yuri sa kamay ko na katabi ko ngayon dito sa likuran ng kotse ay hindi ko na masyadong nararamdaman iyon. Napapangiti pa nga niya ako sa tuwing bumubulong siya ng mga bagay na sadyang nagpapatalon sa puso ko. Hindi ko na rin iniisip pa kung bakit naibigay ko agad sa kanya ang sarili ko gaya noon kay Angelo. Ganon yata talaga kapag mahal mo na iyong tao. Ipapakita mo na sa kahit anong paraan ang pagmamahal na meron ka sa kanya. At ang isang ipinagpapasalamat ko talaga ay hindi niya ako iniwan kahit naibigay ko na ang sarili ko sa kanya. Ilang sandali pa ay papasok na kami sa gate ng mansiyon. Pababa na ako alalay ni Yuri nang lumabas ang

