Pagkatapos ng nakakikilabot na pagsigaw ko ay ang pagkatulala ko sa nilalang na nasa harapan ko. Napakatangkad niya, dumoble sa tangkad ni Yuri. Ang katawan niya ay naging matipuno, nag-uumigting ang mga ugat sa kanyang mga braso, sa kanyang dibdib, sa kanyang hita, at sa kanyang mga binti. Ang magkabila niyang mga pakpak ay nagliliyab. At ang kanyang mukhang... Tumapang ito, nanlilisik ang kanyang mga mata na tila umiilaw sa pagkapula ang kanan at pagka-asul sa kaliwa. At ang kanyang mga sungay na bumaluktot sa dulo. Nakakatakot ang mga ito dahil napakatalim ng bawat nila. "A--anong klaseng nilalang ka?" nanghihina kong tanong. Pakiramdam ko, ano mang sandali ay tatakasan na ako ng kamalayan ko. "Anong klaseng nilalang?" Pangagagad sa akin ng ina ni Yuri. Napatingin ako sa kanya. T

