"Hey." Ito ang maikling pagbati ni Yuri nang pagbuksan ko siya ng pintuan. Tipid akong ngumiti sa kanya at pagkatapos ay mas Binuksan pa ang pinto para makapasok siya dahil kahit hindi ko nababasa ang isipan niya tulad ng nagagawa nila sa akin, ramdam ko naman na gusto niyang mag-usap kami. Hinintay niya munang maisara ko ang pinto bago siya naglakad papunta sa couch na naroon sa loob ng kuwarto ko habang nakasunod ako sa kanya. Nang makaupo na ako sa tapat niya ay pinagpag niya ang espasyo sa tabi niya habang nagsusumamo ang kanyang mga mata. May konting takot pa rin akong nadarama sa loob-loob ko ngunit hindi ko naman siya matiis kaya lumipat ako ng puwesto sa tabi niya. Napatingin ako sa kanya at siya sa akin. Mula sa simpleng pagsasalubong ng mga mata, bumigat iyon at naging pag

