"ANO?!" Natigalgal ako sa kanya. Pakiramdam ko ay biglang lumaki ang ulo ko at ano mang oras ay sasabog na ito. "Ulitin mo iyong sinabi mo, Yuri! Parang-awa mo na, ulitin mo!" Nagmamadali kong utos sa kanya nang makabawi ako sa pagkatigalgal ko. "It's the truth, Jay. Kaya noong huling tayong magtalik, nakatalikod ka at nakatali at pagkatapos ay halos walang ilaw dito sa kuwarto mo para hindi mo ako makita," pagpaliwanag niya. "P--pero... Pero noong una..." "Hindi mo masyadong napagtuunan ng pansin ang itsura ko dahil may kadiliman din sa loob ng cottage." Tama siya sa sinabi niyang iyon. At kaya pala iba ang boses niya noong gabing iyon ay dahil nasa anyong Nephalem siya. Kaya pala halos triple ang laki niya, ang lapad, at ang haba kumpara kay Angelo. Kaya pala halos ayaw magsara

