MARAHAS na nagbaling bigla ng tingin si Selma sa lalake. Napaungol siya sa paglagutok ng leeg. Masama ang tingin na ipinukol niya sa lalakeng di niya alam kung ngingiti o ano. "Hindi ako nakikipaglaro sa'yo,Mayor. Quit it," may diing sabi niya. Trying her best to fight out that feeling that seemed to spread from her inner core and down to her every nerve endings. Na di naman nakatulong sa aligagang pakiramdam niya ngayong kasama niya ang lalake sa isang confined spaces. Tila inaantok ang ngiting bumangka sa mga labi nito. Doon natutok ang tingin para lang mapasinghap nang pansamantalang maglaro ang dulo ng dila nito roon. Sa unahan ng sasakyan tuloy siya napatingin nang diretso. "All right. Relax. I won't going to bite you," anito na binuhay na ang sasakyan. Nang makalabas sa parking ar

