Selma woke up with a start. Masakit ang leeg niya. But of course dahil nakatulog siya nang pabaluktot sa ibabaw ng nag-iisang loveseat na nasa gilid malapit sa bintana. Doon siya nauwi matapos siyang umiyak sa loob ng banyo. Masakit pala ang mapagtaksilan. Lumabas si Zander kagabi at may kinatagpo. Hindi siya tanga para hindi siya mauwi sa ganoong konklusyon.
She did the same act,didn't she? With Zander a couple of times. And finally,with Stanley. With the latter,her wild side came about and so she came to associated with those body fluids na ni minsan di niya nakuhang tikman o amuyin man lang kapag ang una ang kasiping niya. Naaalala niya na kung hindi sa shower,preffered position na nila ni Zander ang missionary. He came inside her vis-a-vis with her own orgasm. Iyon kung maabot niya ang sukdulan. Dahil sa iilang pagniniig nila ng lalake,isa o dalawang beses pa lang nangyari iyon. That is, if she played herself enough.
Kaya masakit sa kanya ang nadiskubre niya kagabi. Given na siya man ay ganoon ang ginawa, she never intended na mangyari iyon. Honest mistake ang mitsa ng nangyari. The second one was an act of defiance. At hindi niya iyon alam kung paano i-justify. Kung ninais naman ni Zander na may nangyari sa kanila kagabi,hindi niya alam kung nagbigay siya. And yes,what stop her from confronting him head on was the fact that she discovered herself relieved later on when the hurt and annoyance subsided a bit.
Kaya hayon siya,sa loveseat na nakatulog. Hindi niya kayang tumabi sa lalake dahil obviously,ang naturang kama ay saksi rin sa kataksilan sa kanya ng nobyo. At paliwanag na rin iyon sa mahabang buhok na nakadikit sa sabon sa shower room.
Plastikada lang ang peg,teh? Pero iyon ang pakiramdam niya. But who cares kung di rin siya? Right? No?
She sighed. Napatingin siya sa labas ng bintana. Bahagya na ring nagliliwanag.
Tumayo siya kasabay ng paglinga ng tingin kay Zander. He was still sleeping so soundly na kahit yata magkadelubyo,di pa rin magigising.
Talagang pagod,sarkastikong puslit ng isang bahagi ng utak niya.
Pero di siya aamin sa natuklasan. Iyon ang nabuong pasya niya kagabi bago siya tuluyang ginapi ng antok. Let him stewed in his own soup dahil siya man ay halos ganoon na rin. Amanos na lang sila. She will cross the bridge when she get there.
For now,sa ayaw at gusto ng lalake,they will have to go home. She will try to trapped that woman who rode him last night for whatever she was worth dahil balak niyang bigyan ito ng mahigpit na kompetensiya. In a way na hindi niya ito sasalingin nang pisikal. Ngayon pang nabuksan ang mga mata niya sa mga posibilidad na pwedeng mangyari,she won't back down now.
With that in mind,nag-shower na siya ulit. Mabilisan. Iniitsa pa sa basurahan ang sabong ginamit ng karibal. That done,she face herself in the mirror. Inayos ang mukha. Pinapula kaysa karaniwan niyang inilalagay na lipstick ang labi. Sa ganitong pagkakataon,nagpapasalamat siya na Fine Arts ang kinuha niya dahil madali na lang sa kanya ang mag-drawing sa mukha. And she can even transform herself na kagaya ng pinaggagawa ni Paolo Ballesteros. And she channelled Angelina Jolie now. She just gone easy with the foundation at kolorete sa pisngi at mata para huwag naman siyang tila nagmaskara.
She even combed her long hair back. Inayos ang bibig and make a pout. Naglagay na siya ng lipgloss dun as final touch and she was set for the catfight. No,cat war.
Cat war,indeed. How apt!
==========❤❤❤==========
"COME home,Kuya. Hinahanap ka ni Mommy. Gusto ka daw makausap."
Minsan pang tila nag-rewind sa isip ni Stanley ang tinig na iyon ni Diana nang tumawag ito in the wee hours of the morning. Ito ang nakababata niyang kapatid. Pero may asawa na. Apat sila. Siya ang panganay. Sumunod si Gian na isang doktor na siyang tumitingin sa Mommy nila ngayon. He married another doctor. Si Leonna ang ikatlo,isang fashion model na nakapag-asawa ng Hawaiiano. At si Diana nga na isa namang abogada na ang asawa ay may koneksiyon sa mga Araneta. Siya naman ay nakapagtapos ng Civil Engineering. Natanggap siya sa isa sa mga kinikilalang construction firm sa Australia. Malaki ang pasweldo pero iniwan din alang-alang sa ina.
The same reason why he have to get back today kahit ayaw niya pa sana.
Pabuntong-hininga na isinalansan ang mga gamit sa maleta. Saka natigilan nang may ibang nadampot.
A red lacy thong. The front was enough to cover a woman's vulva. And he knew who owned it.
Napangiti na siya na inilagay iyon sa kanyang bulsa.
Meanwhile,he needed his breakfast. Doon sa restaurant balcony. He will wait for the sun to rise on that part. Nadiskubre niyang magandang panoorin doon ang pagsikat ng araw minsang magawi siya isang umaga at magkape. Pag naa-appreciate mo pala ang isang simpleng bagay na kagaya na lang ng pagsikat ng araw, mas may katuturan pa iyon kaysa mga bagay na binibili ng salapi sa ikasisiya ng isang tao,naisip niya. And maybe,he ougth to think na magmonghe na rin siguro.
Natawa siya sa naisip niya. No,he won't consider that. Marami tiyak ang magwewelga.
Pagkasara sa maleta ay binuhat na rin niya iyon at inilagay na lang sa gilid ng pinto. Babalikan niya mamaya. Bahagya pa siyang napapitlag nang sa pagbubukas niya sa pinto ay tamang may papadaan naman.
It was Selma. Na gulat na gulat ding napahinto sa paglakad.
Naglimayon ang mga mata ni Stanley sa kabuuan ng babae.
Gusto namang mapasinghap si Selma sa lantarang pag-aanalisa ng lalake sa kabuuan niya. She was casualy wearing a long sleeve peasant beach dress na pula ang pinakamatingkad na kulay. May slit iyon sa gilid ng balikat niya hanggang sa ibaba ng siko. It exposed a considerable part of her neck down to her shoulders. Tinernuhan niya iyon ng stretchable maong sexy shorts na faded blue kayat maayos na humakab iyon sa pang-upo niya. She finished it off with a wedge sandals that seemed to show off her flawless long legs and her buri-inspired purse. Kulang na lang ang sunglass at malaking sumbrero at mukha na siyang modelong naligaw ng nirampahan.
Lahat ng iyon,courtesy ni Bianca,ang bading na pinsan niyang pinakialaman ang wardrobe niya nang malamang eeksena siya sa beach kasama si Zander. Kahit daw ermitanya siya,pag lumabas ng bahay,di pwedeng mukhang hinango sa sampayan lang ng kung sino ang isusuot niya para huwag siya kahiya-hiya sa nobyo niyang miyembro ng alta-sosyedad.
Hindi maitago ang paghanga sa anyo ng lalakeng kaharap. At hindi niya malaman kung saan galing ang kilig na biglang nadama. Hindi niya tuloy malaman kung paano ihakbang ang mga paa. Para na iyong nag-ugat sa sahig. Nagkandaiwas na rin siya ng tingin nang di niya matagalan ang titig nito. Naiipit ang nahulog na buhok niya sa kanang tainga niya.
"Good morning. Going somewhere?" Buong-buo ang boses nitong nadinig niya.
Napapitlag pa siya na hindi kaagad nakasagot saka tumingin sa lalake.
"Uhmm...yeah. For some coffee." Parang nais pa niyang pumiyok. Pasimple siyang huminga ng malalim para kalmain ang sarili sa biglang sagpang ng hindi niya maipaliwanag na kabog ng dibdib niya. Pero sigurado siyang hindi iyon dahil sa takot.
Nag-iwas na siya tuloy ng tingin kasabay ng pagpilit sa sarili para humakbang na.
Subalit sa bigla niyang paghakbang na iyon,nagkamali siya ng tapak. Napagibik siya nang paimpit kasabay ng pagkampay sa ere.
"Selma...!"
Napapikit na lang siya na hinintay ang pagbagsak sa lapag.
Subalit hindi iyon natuloy. Dahil ang kinabagsakan niya ay sa matitipunong bisig ni Stanley.