Nagtama ang kanilang mga mata. Naningkit ang kay Stanley,siya naman ay tila inaantok. Sa pagkakayakap niya sa batok ng lalake ay damang-dama niya ang pagtibok ng puso nito. Naging eratiko. O hindi kaya't siya ang animo nakadama ng lagabog ng sampung kabayo na tumatakbo sa dibdib niya?
Pigil-pigil ang hininga niya sa antisipasyon lalo na nang maramdaman ang hindi niya maipaliwanag na emosyong bumalot sa kanya. Hindi niya nga halos napansin na umawang nang bahagya ang mga labi.
Doon napatingin si Stanley. Napalunok. Waring nagtatalo ang isip.
Napatingin din siya sa tumaas-bumaba'ng Adam's apple nito. Bago iyon naglakbay sa may kapulaang labi ng binata. Parang may sariling isip na bumitaw ang isang kamay niya sa leeg nito at naglakbay ang daliri niya sa gilid ng panga bago unti-unting humagod sa pisngi nito. Dama niya ang tila mala-lihang epekto ng papatubo nitong balbas. Kinikiliti ang balat ng kanyang daliri.
Napasinghap si Stanley sa ginawa niya. Napapikit nang ilang segundo na parang ini-enjoy ang sandaling pagdikit ng palad niya sa pisngi nito. Bumilis ang paghinga. May ungol na parang nagnanais tumakas sa dibdib nito. At nang unti-unting dumilat at tumunghay sa kanya,may kislap ang mga mata nitong nasalubong ng kanyang mga mata.
Para tuloy may sumiklab sa damdamin niya. Tumahip nang doble ang t***k ng puso niya. Na-excite. Naiangat niya ang ulo pakiling. Hindi na siya nag-iisip na nagkusa nang tinawid nang unti-unti ang distansiyang nakapagitan sa kanilang mga labi.
Subalit bago pa man nagdikit ang kanilang mga labi,nakadinig sila ng lagabog.
Gulat pa silang kagyat na kumilos. Muntik pa tuloy siyang napatid na naman kung di pa siya naagapan ni Stanley at tinulungan siyang tumayo nang maayos.
Siya na ang dumistansiya habang pinipilit ignorahin ang paghihinayang na biglang nabuhay sa dibdib niya.
Napatingin sila sa dulo ng hallway mayamaya kung saan nagmumula ang kalabog. Isang cleaning staff ang nakita nila doon na nabitiwan ang mopping pail. Naalis ang hawakan ng timba,obviously. Kaya binirahan na iyon ng paghawak sa magkabilang gilid nun at pumasok sa ikalawang pinto.
Nagkatinginan sila nang ilang sandali. Saka sila nagkatawanan.
"I think we should better take that coffee now," aniya na nagpatiuna nang maglakad. "Uuwi na kami ni Zander mamaya. At least,iyon ang plano ko. Ikaw?" Nananantiya ang tinging iginawad niya rito.
Sumabay si Stanley sa paglalakad niya. Pero conscious na siya kaya sa tuwing mapapalapit sa kanya ay tila siya napapaso na lumayo-layo rito sa disimuladong paraan.
"Yeah. I have to," maikli nitong sagot na ibinulsa ang isang kamay sa six-pocket na suot. "Nasaan ang kasama mo?"
Doon siya napahugot ng hininga. Saka din pinakawalan kasabay ng pagkikibit ng balikat.
"Tulog pa,"maikling saad niya. Her voice quipped.
"We'll..." Eksaheradong tumingin ang lalake sa relo sa bisig. "You should,too. Nang sumilip ako kanina sa labas,madilim-dilim pa."
The hidden agenda in his tone did not escape her. Napataas ang kilay niya. Nakanti ang damdamin.
"Walang namagitan sa amin kung iyon ang gusto mong malaman,"she said evenly between her teeth. "Mientras,hindi ko kailangang mapuyat at makatulog nang gayon na lamang hanggang sa tirik na ang araw."
"Hey,hindi iyon ang ibig ko'ng sabihin,"protesta ng lalake.
"Hindi mo naman kailangang ipamukha iyon sa akin. Hindi ako naging pintor kung hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ng salitang sensitibo." Nilingon niya ito. Walang takot na sinalubong ang mga mata nitong nadiskubre niya ngayon na matiim kung makatitig. A hooded eyes where sinful pleasure seemed to lurk. "'Di nga?"
Nagkatitigan tuloy sila lalo na nang tumigil siya ng paghakbang na ginaya naman ni Stanley.
Nang kumurap siya,tiyempo namang itinaas nito ang dalawa sa ere na tila sumusuko kasabay ng pagkikibit-balikat. "All right. I'm sorry."
Napapabuntong-hininga siyang nag-iwas na lang ng tingin at nagsimula ulit ng paghakbang. God,how come na may ganitong lalakeng ipinanganak na kahit naiinis na siya ay napupurnada rin wala pang ilang minuto ang dumaan? That girl who owned him was a lucky b***h,indeed. 'Yon lang,di yata na-realize na nakakatakot iwan-iwanan ang ganitong lalake nang basta-basta. Malamang sobra-sobra lang ang tiwala ni Cielo sa sarili kaya kering-keri ng powers nitong nagagawa iyon. Or rather,gamundo ang tiwala sa lalake. Hindi tuloy alam na may isang babaeng engot na naligaw sa kuwarto nito at nakipagtikiman. At siya iyon!
What a word. Tikim talaga,teh?
"Can we just leave things like that for now? Hindi ko alam ko'ng ano ang dapat ko'ng isipin sa ngayon. But when that time comes,I will. At magdedesisyon din ako nang ayon sa nararapat na gawin."
Napatingin tuloy sa kanya si Stanley. Nagbuka ng labi. Parang may nais itong sabihin pero bandang huli ay napakibit balikat na lang ito hanggang a makarating sila ng restaurant.
Iginala niya ang paningin. She like the ambiance of the Java-inspired resto. Exposed wood beams. Bamboo-base ang mga chandelier. Pinapagitnaan ng dalawang mahahaba at malalaking gauzy white curtains ang bawat haligi na itinali rin. Maluwang ang kabuuan. Open air ang parte kung saan kumakain ang mga nagpupunta roon. The kitchen was obscured from view with sets of sampaguita glasses in various colors. May malalaking mga banga na kinatatamnan ng mga giant gabi with additional leafy creeping plants in its base. Maging ang mga upuan at mesa ay mula sa mga salvage wood kaya lahat ng items doon unique in its own right.
Sinalubong sila ng isang babaeng naka-formal suit na nang makita si Stanley ay ngiting-ngiti ito. Pero nag-alanganin nang mapasulyap sa kanya. Kaya kay Stanley ulit tumingin na muling niluwangan ang ngiti.
"Your favorite table again,sir?" Ang hinhin pa ng boses ng babae. Simpleng flirtation. Selma find it so irritating sukat para mangati ang kamay niyang abutin ang naka-pony tail na buhok ng babae. Pero nang ma-check ang sarili,nakagat nang bahagya ang panloob na bahagi ng bibig. So unlike her.
Nang iwanan sila ng babae para salubungin ang ibang parokyanong pumasok,kinambatan nito muna ang kasamahang lalake. Agad naman itong nakalapit. Nakangiting nagbigay-galang. Iniabot nito sa kanila ang dala-dalang menu. Namili naman sila.
"Habang inihahanda ang mga order namin,pakiuna na dito ang kape,ha?"nakangiting bilin niya din sa waiter.
"Right away,ma'am."
"Thank you."
==============================
"UUWI din ako ngayon."
"I see." Napatango si Selma. "'Di mo ba kasama si Cielo?"kaswal niyang tanong. Inabot ang kape at doon sandaling itinutok ang tingin. Hindi niya masalubong ang mga mata ng lalake.
"I'm on my own. Nasa Singapore siya ngayon. On some business."
Napatango-tango siya. She should know,right? No women in her right mind would leave the door open when she would be ensconed with his boyfriend atop the bed.
With that thought,a sensitive nerve seemed to snap inside her.
"Yeah,right. I should know." Her voice was dripped in sarcastic tone.
"Pardon?"
Pero iniwasan niyang tumingin dito trying to calm herself down. Para lang makita si Zander with a questioning frown in his face kahit malayo pa ito.