Draven's
Badtrip! Paano na ako nito? Hindi naman kasi ako unggoy gaya ni Sia.
Paano na'to?
"Need help?"
Napalingon agad ako sa lalaking nagsalita.
"Draei?"
Ano naman kayang ginagawa ng lalaking 'to sa likod ng university? Nag cutting rin siya?
"May daan pa roon sa mismong likod. Pag pasok mo gym ang bubungad sa'yo." simpleng paliwanag niya.
Ngumiti ako sa kanya at tumango. Buti nalang talaga.
Akala mo maiisahan mo ako Sia ah! Nagkakamali ka!
Inantay kong makaalis si Draei. Pero ang ipinagtataka ko ay hindi pa rin siya umaalis sa pwesto niya?
Mauuna na sana ako dahil baka hanapin na ako roon sa room pero bago pa man na makalagpas sa kanya nagsalita na siya. "Layuan mo si Sia." sabi niya at umalis na.
Napahinto ako at napakurap ng ilang beses. Anong tinira non?
Sia's
"Bakit ngayon ka lang babae?" nakapa-maywang na tanong ni Cleo pagpasok ko palang sa room.
Huminga ako, "Hindi ba sabi ko may titignan lang ako?" sabi ko sa kanila.
Maniwala kayo, please.
"May titignan? Bakit, saan ba yung titignan mo? Sa labas ng school?" tanong na naman ni Cleo.
Tinignan ko so Flynn na nakaupo sa upuan namin. Wala kang makikitang ekspresyon sa mukha niya. Naka cross arms pa siya at diretsong nakatingin lang sa akin.
"Anong problema ng isang 'yon?" tanong ko at pa-simpleng tinuro si Flynn.
"Nag aalala sayo gaga! Hindi ka kasi agad nakabalik kaya akala namin napano kana," bulong niya sa akin.
Tumango nalang ako at hindi na sinagot ang naunang tanong.
Binunggo ko ang balikat ni Flynn. Diretsong diretso pa rin kasi ang mga tingin nito sa harapan at para wala lang sa kanya na nandito ako.
“Pst. Sorry na, Flynn!” mahinang sabi ko sa kanya habang isinisiksik ang sarili.
Napanguso nalang ako ng hindi manlang umalis sa pwesto o umusod manlang si Flynn.
Dumukdok ako sa mesa at tumingin sa kanya. “Sorry na!” pag iinarte ko rito.
Bwisit naman, eh. Bakit ba ako nag sosorry? Bahala nga siya diyan kung ayaw niya!
“Hoy, Adler! Mag palit nga tayo ng pwesto. Pausugin mo 'yang magaling mong pinsan sa dulo at ikaw ang pumagitna!” inis na sabi ko pag dating ni Draven sa room.
Hangos na hangos ito. Malamang inakyat nito ang puno. Sa totoo lang, meron pa talagang ibang daanan hindi ko lang sa kanya sinabi.
“Anong nangyari sa inyo?” hinihingal na tanong nito.
Inirapan ko siya, “Wala kana doon!” inis parin na sabi ko.
Nag kusa na si Flynn na umusod sa gitna pero hindi pa rin nawawala ang tingin niya sa harapan! Ano ba kasi problema ng isang 'to?
Bahala na nga talaga siya! Kung ma-pride siya, aba! Mas ma-pride ako. Umirap nalang ako at itinuon ang tingin sa harap.
“Seriously, guys? Anong trip niyo?” singhal ni Draven.
“Hoy, ikaw, Adler! Manahimik ka nalang diyan kung ayaw mong isalaksak ko 'tong ballpen sa ngala-ngala mo!” asik ko.
Mas trip ko yata na tawagin siyang Adler? Para mas unique, diba?
Tumahimik naman siya at hindi na nagsalita.
Maaga na naamn naguwian gaya ng parehong dahilan, as usual. Tamad na mga Prof.
Papalabas na ako ng gate at nagpaalam kay Cleo. Hindi sumabay si Flynn sa amin at bahala na siya roon. Kaya naman na niya ang sarili niya. Besides, wala naman na ang mga bullies.
“Sia. Pwede bang magusap tayo?”
Napahinto ako sa paglalakad at humarap kay Draei.
Bumuntong hininga ako. “Ano ang pag uusapan naman natin? Siguraduhin mong hindi masasayang ang oras ko sa mga walang kwentang bagay na inalalabas ng bibig mo,” tuloy tuloy kong sabi.
Napabuga nalang siya ng hininga at tumalikod. Wow, VIP?
Sumunod ako sa kanya at dinala sa hindi masyadong matao na lugar.
“About what happen—“
“Ang sabi ko, importanteng bagay,” putol ko sa sasabihin niya.
“Look! Sobrang importante sa akin non Sia! Tangina naman! Hanggang ngayon ba naman? Ipagkakait mo na magpaliwanag ako?” hirap na sabi niya.
“Totoo ang nararamdaman ko sayo! Maniwala ka naman sa akin, Sia!” dugtong pa niya.
“Pwede ba Draei? It’s f*****g three years from now! Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin tumatahimik?” Pigil na pigil ang pag sisigaw ko.
Lumuluha na siya ngayon. “Hindi, Sia. Alam kong may natitira pang pagmamahal diyan sa puso mo. Please, Sia.”
Sa pagkakataong 'yon, lumuhod na siya at hinawakan ang mga kamay ko.
Iwinasiwas ko 'yon at tumungin sa kanya. “Ikaw, Draie! Ikaw ang nag parealize sa akin na lahat ng bagay, puro kalokohan lang!” sigaw ko sa kanya.
“No, Sia! Please, I love you.” lumuluhang sabi niya.
“You never love me, Draei. Never.” mariin na sabi ko.
Sa pagkakataong ito, pinipigilan kong tumulo ang mga luha ko na pumatak. Napaka walang kwenta ng dahilan para pag laanan ng luha ang ganitong bagay.
“Bakit Sia? Bakit? Dahil ba kay Draven? Dahil ba sa kanya kaya natitiis mo ako ng ganito?”
Hindi, dahil sa pang gagago mo!
“Bakit nadamay yung Draven na'yon dito ha?” tanong ko.
Don’t tell me nag seselos siya kay Adler? Putangina.
“Palagi kayong magkasama Sia! Nag cutting pa kayo parehas, huh?” sabi niya sabay tayo at pinunasan ang luha.
“Bakit, anong paki mo? Nung pinag tripan niyo ba ako ng barkada mo, nag reklamo ako? Wala kang narinig ni isang salita sa akin non! Puta, ang sakit non, Draei! Kailangan ko ng karamay non! Kailangang kailangan. Pero nasaan ka? Anong ginawa mo sa akin? Anong ginawa niyo ng kaibigan mo sa akin?” Hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. After years, ngayon lang ulit ako nakapag labas ng luha.
“I'm so sorry, Sia.”
Huminga ako ng malalim at pinunasan ang mga luha. “Alam mo, isa kang puta! Huwag na huwag mo na ihaharap ang mukha mo sa akin. Baka mamaya hindi kumalma ang kamao ko bigla nalang dumapo sa makinis mong mukha. Sayang naman!”
“Sia! Sia, please. Huwag mo naman gawin sa akin 'to.” Hinawakan niya ang kamay ko.
Hindi ko maalis dahil hinahawakan niya ito ng mahigpit. Nasasaktan na rin ako.
Yayakapin na niya sana ako ng may pumigil at bigla nalang siyang sinuntok.
“Huwag na huwag mong idadampi ang balat mo sa balat ni Sia.”
Gulat ang rumihistro sa mukha ko.