18

803 Words
“Saan ba tayo pupunta?!” sigaw ko sa gitna ng pagtakbo namin ni Draven. Nakalabas kami ni Draven ng school ng hindi manlang napapansin ng guard. Ano ba kasing ginagawa namin? Bakit ba kasi sumama pa ako sa kanya? May kotse naman siya, bakit pa kami tumatakbo? Badtrip! Ang layo din ng nilakad namin, hingal na hingal pareho. “May kotse ka naman kasi! Bakit paba tayo tumatakbo? Bwisit ka ah,” iritado kong sabi habang pinupunasan ang mga pawis. “Sayang gas, whoa! Bilis, nagugutom na ako,” inip na sabi niya ang iniwan ako rito sa labas. Kita mo nga naman 'to! Aaaah! Nakakainis. Pesteng lalaking 'yan! Naiirita akong pumasok sa loob ng restaurant at humanap ng seat. Nakita ko kasi siyang naka pila na at oorder. Ngitian pa nga niya ako. “Yung sa akin?” takang tanong ko ng makitang kakaunti lang ang dala niyang pagkain. “Bumili ka ng iyo, aba! Kkb tayo. Pare-pareho lang tayong gipit dito,” singhal niya habang inilalayo ang pagkain sa akin. As if namang kukuhanan ko siya. Nakakainis, hindi naman niya kasi agad sinabi diba? Ang akala ko ililibre niya ako, kuripot ampota. Pumunta ako sa counter habang bumubuntong hininga. Makakaganti rin ako sa'yo, Draven. Intayin mo lang. Sinasagad mo ang pasensiya ko ah! Pag ka order ko, pabadog kong ibinaba sa mesa namin ang order. Napatingin pa ang ibang costumer sa gawi namin dahil sa ginawa kong 'yon. Papatapos na siyang kumain ng dumating ako. Kuripot na nga patay gutom pa, tsk. Tatayo na sana siya ng bigla akong magsalita. “Subukan mo lang na layasan ako. Hindi ako magdadalawang isip na isaksak sa lalamunan mo 'to!” Idinuro ko sa kanya ang tinidor na hawak ko at pinandilatan ng mata. Napalunok siya ng ilang beses at dahang dahan umupo ng hindi manlang ako tinitignan. Gago ka ah. Susunod ka rin pala, nagpapabebe pa. Umirap ako at inubos ang pagkain. Iniwan ko nga pala sila Flynn at Cleo! Putik naman. Nawala sa isip ko bigla 'yon ah. “Isabay mo na 'tong sa akin!” masungit na sabi ko sa kanya. Magsasalita pa sana siya kaso pinandilatan ko kaagad siya ng mata. Wala na siyang nagawa kundi bumuntong hininga at isabay ang pinagkainan ko. “Kasalanan mo 'to eh!” iritado kong sigaw. Wala na kaming masakyan ngayo dahil palaging puno ang mga taxi o hindi kaya'y nauunahan kami. “Wait nga! Ikaw ha! Ginawa mo na nga akong alipin kanina doon sa loob tapos mansisisi kapa,” sabi niya sa akin. “Mga ineng, tama na ang LQ,” humagikgik ang matanda at nagpatuloy sa paglalakad. Agad kaming nagkatingin ni Draven, “Yuck!” sabay namin sabi. I feel the same way, jerk. “Hoy! Sandali! Intayin mo ako!” sigaw niya. Bigla ko nalang kasi siya tinalikuran at mabilis na naglakad. Kung ayaw niyang gumawa ng paraan, ako ang gagawa. Ganon lang ka-simple. Kalalaking tao, pero daig pa ako sa mga kilos na ginagawa niya. Parang bakla. Hindi ko siya pinansin at tuloy tuloy na naglakad lang. Patience, Sia. Patience. Ng may dumaang taxi muli, pumara ako at nagbakasakali. Huminto naman agad ito at pabadog na sumakay. “WAIT MANONG, WAIT! SASAKAY RIN PO AKO! SAME DESTINATION LANG KAMI NIYANG MASUNGIT NA BABAE SA LOOB!” sigaw niya habang kinakalampag ang salamin. Napakamot nalang si Manong sa batok at inihinto ang sasakyan. Masungit daw ako? “Do'n ka sa tabi ni Manong!” sigaw ko ng hindi manlang siyang tinatapunan ng tingin. Mula sa peripheral vision ko, napasara nalang ang kamao niya tanda na nagpipigil ng inis. Lumipat siya roon sa tabi ni Manong at nanahimik nalang. Buti naman. Inihinto ni Manong sa tapat ng universidad ang taxi. Binayaran agad ni Draven 'yon. Bumaba agad ako at sumilip sa guard house. Buti nalang at nalaglag ang sumbrero ng guard na 'yon. Sinamantala ko ang pagkakataon at mabilis na tumakbo papunta sa likod na bahagi ng school. Dali daling sumunod sa akin si Draven. Tiningala ko ang puno na aakyat ko at tinantsa kung kaya ko ba akyatin. Ng masigurong kaya naman sinimulan ko ng ikapit ang mga kamay ko sa matitibay na sanga. “Ano pang hinihintay mo?” tanong ko kay Draven. Mukhang kinakabahan yata. “A-ako? Aakyat diyan sa puno?” tanong pa niya habang tinuturo ang puno. Naiirita naman akong tumango. Duwag amputa. “Hindi kaba sanay?!” sigaw ko sa kanya. Pag ako nakita pa rito, malilintikan talaga si Draven sa akin! “May iba pa bang paraan?” kinakabahang tanong niya. Ngumiti ako ng nakakaloko at sinagot siya. “Hmmm, meron pa!” Nagliwanag ang mukha niya at ngumiti. “Ano naman 'yon?” “Ganito, kung gusto mong madalian na paraan, duon ka sa main gate dumaan. Panigurado, madali lang 'yon. Kaso, ihanda mo ang pwetan mo sa hambalos ni Satanas. Kung dito ka naman sa puno, aakyat, walang kahirap hirap, ang tanga mo lang kaso hindi ka sanay!” paliwanag ko at dinilaan siya. “Bye jerk! Goodluck!” natatawang dugtong ko at tumalon. *** Maikling update para ngayon. Hay nako. Ang hirap ng buhay dahil nagloloko ang phone ko. Kailangan na ata ng bago. Leche kasing iphone, ang daming arte HAHAHAHAHAHA. Pagpasensiyahan niyo na po :( Tell me your tots (?)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD