Si Cleo.
“Stalker kaba niya, ha?” tanong ko muli. Pero hindi pa rin siya umaalis sa harapan ko. The f**k?!
“Answer my question first,” masungit na sabi niya.
Anong problema ng babaeng 'to? Ganyan na ba siya kabaliw kay Draven? Na kahit akong kaibigan niya ay gaganituhin niya? Ang impossible!
“Pumunta siya kahapon sa bahay. And then, sumakay ako sa kotse niya kase ayoko sa bahay, happy?” hindi makapaniwalang sabi ko.
Umalis siya sa harapan ko at umupo sa tabi ko. Yinakap niya ang aking braso at ngumuso sa harapan ko. “Sorry na, please! Hindi ko kasi alam eh,” paumanhin niya.
Hinding hindi ako papatol sa kahit na sino. Mas gugustuhin ko pang tumandang dalaga kesa sa tumandang stress. 'Yang mga boyfriends at asawa? Stress lang 'yan.
“Alamin mo muna kasi!” reklamo ko.
Paano eh, umagang umaga, susungitan ako? Tama ba 'yon? Tapos wala naman ako ginagawa. Pasalamat siya kaibigan ko siya. Ayoko pa namang tinatarayan ako ng kung sino sino lang.
“Nasaan ang nerd?” tanong ko pa habang nakatutok pa rin ang mata sa field.
Hinahanap ko kasi si Flynn. Ang sabi niya sasali siya sa activities. Sayang daw kasi ang points at grades na makukuha niya. Mababa pa raw ang mga grades na nakukuha pero halos mag uno na siya.
Nahagip ng mata ko ang isang lalaki na nakahiga sa sahig. Napatayo agad ako ng mapansing si Flynn 'yon. Kilalang kilala ko na ang postura ni Flynn.
Iniwan ko si Cleo roon at nagmamadaling puntahan si Flynn sa kinalalagyan niya.
“FLYNN!” niyuyugyog ko ito pero walang epekto. Hindi pa rin siya gumigising.
Pati si Cleo ay nakikiyugyog at sumisigaw na rin. Sumunod pala siya sa'kin.
Dahan dahan akong tumayo at naglakad papunta sa kumpulang estudyante sa field, mga kaklase ko.
Napalingon sila sa akin at ang mga masasayang mukha nila ay nabalutan ng takot. Sakto wala naman ang Prof namin.
Binigyan ko sila ng nakakamatay na tingin. Ang iba'y napapalunok pa at siyang kapit sa mga braso ng isat-isa. Natatawa ako sa mga itsura. Parang nakakita sila ng multo.
“Sino ang may gawa non kay Flynn?” mariin kong sabi habang nakatingin pa rin sa kanila.
Umiling silang lahat habang namumutla.
“Uulitin ko—“
“Ako, ako! Patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya, promise. Hindi ko siya nakita kaya natamaan ko siya ng bola. Patawarin mo ako. Sorry, sorry!” tuloy tuloy na sabi niya habang nakaluhod na.
Huminga ako ng malalim kahit na hindi ako satisfied sa sagot niya ay hinayaan ko nalang. Alam kong hindi rin matutuwa si Flynn kapag sinaktan ko pa ang isa 'to.
“Pakobuhat si Flynn. Dalhin mo sa clinic. Baka magbago pa ang isip ko,” pinigilang tawa na sabi ko.
Paano kasi ay pawis na pawis pa ito at halos umiyak na kakahingi ng tawad. Kaya walang nagtatakang lumapit sa akin, eh. Itong si Cleo lang talaga ang makapal-kapal ang mukha.
“Oo, oo! Dadalhin ko si Flynn,” natatarantang sabi niya at nagmamadaling lumapit kay Flynn at binuhat ito.
Halos mapatid pa siya sa pagmamadali. “Dahan dahan! Pag 'yan si Flynn, napuruhan, ikaw ang pupuruhan ko, pero siguradong hindi kana magigising,” pananakot ko sa kanya.
Kumalma agad siya sa paglalakad at ma ingat na naglakad.
Pagdating agad sa clinic ay ibinaba niya agad sa kama si Flynn at kumaripas na ng takbo.
“Hoy. Natakot ata sa'yo si Jay, loka ka.” natatawang sabi ni Cleo pagpasok sa clinic.
Natawa rin ako ng maalala ang mga itsura ng kaklase ko kanina nung nilapitan ko sila. “Dapat lang.”
Umupo lang ako sa tabi ni Flynn habang inaasikaso siya ng nurse. “Anong pangalan niya?” tanong bigla ng nurse habang nililinisan ang mukha ni Flynn.
“Flynn Jake Mariano,” sagot ko.
Umiling bigla ang nurse na ipinagtaka ko. “Sayang, gwapo sana kaso mukhang nerd,” tumawa pa ito habang kagat kagat ang labi.
“Can’t you do your f*****g work without insulting your patients?” mataray na sabi ko na nakapagpatahimik sa kanya.
Akala mo kung sino kagandahan para sabihan ng ganoon si Flynn. After years, ngayon lang ulit may nagsabi kay Flynn non at mismong sa harap ko pa?
I’m just being protective kay Flynn. Hindi ganoon kalakas ang katawan at isip niya para i-handle ang mga pambubully sa kanya.
Naalala ko pa, muntik na siyang tumalon sa rooftop kung hindi lang ako nagising noon. Remember, kaya ko lang siya naging kaibigan kasi iniligtas ko siya sa mga pambubully sa kanya nuong freshman pa lang ako?
At 'yong pangalawang pagligtas ko sa kanya ay yung muntik na siyang magpakamatay. Dahil din sa mga bullies. Pina realize ko sa kanya na mahalaga ang buhay. Hindi dapat ito sinasayang sa mga walang kwentang bagay tulad nalang nung nangyari sa kanya nuon.
“Huy, si Flynn,” pagkalabit sa akin ni Cleo. Napasarap na ata ang pag mumuni muni ko rito sa gilid at hindi napansing gising na si Flynn.
“Ayos na pakiramdam mo?” tanong ko habang sinasipat ng kalmado ang itsura niya.
Umiling siya habang hawak hawak ang ulo. “Masakit 'tong ulo ko. Teka, ano bang nangyari?” tanong pa niya.
Bumuntong hininga ako, “May tanga kasing kaklase natin na natamaan daw ang ulo mo!” naiinis na sabi ko.
Natawa lang siya at inihiga muli ang ulo sa kama na 'yun.
Ngayong tanghali rin ay nakaalis na kami sa clinic. Pero pinilit ko pang pauwiin ni Flynn dahil alam kong hindi niya ito kakayanin. Para siyang zombie na naglalakad kanina pabalik ng room. Kung hindi lang siya alalayan at bulungan ni Cleo hindi siya aayos ng lakad.
“Sana maging ayos na si Flynn,” malungkot na sabi ni Cleo. “Kulang tayo kapag wala siya,” dugtong pa nito at yumuko nalang sa desk.
Wala rin akong time makinig. Nabubwisit pa rin ako sa gumawa noon kay Flynn. Napaka luwang rito sa pwesto ko. Wala kasi si Flynn. Siya lang ang katabi ko rito sa last row. Pareho namin gusto mapag-isa pero magkasama kami sa upuan.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok si Draven. Saan kaya ang section ng mokong na 'yun? Marami pa akong itatanong sa kanya!
Napahinto bigla ang teacher sa pagsasalita dahil may kumatok sa pinto. Naiirita pa siya ng buksan iyon. Natawa nalang ako bigla sa mukha niya.
May panahon pa palang mag inarte ang mga matatanda?
“Sorry Ma'am, I’m late. Masyado pong traffic.”