09

1011 Words
Sia's Hindi ko alam kung bakit rin ako pumasok rito bigla sa kotse ni Draven at natanong tungkol kay Lyeei. Bigla nalang sumama ang mukha niya. Lalo tuloy ako nagtaka kung bakit ganoon nalang bigla. Kanina ko pa siya nakikita sa harapan ng bahay. Nang malingat siya ng kaunti ay chinat ko na siya at bumaba bigla. Nagulat pa nga siya ng makita agad ako sa harapan niya. “Saan galing ang ibon mo na 'yon?” pag iiba niya ng tanong. Hindi niya pa sinasagot ang tanong ko, eh. Pero hayaan nalang hindi ko naman ugaling manghimasok sa buhay ng tao. “Ah 'yon ba? Bigay lang sa akin ni Flynn 'yun. Pasasalamat niya daw,” sagot ko na lamang habang nakatingin sa daan. “Si Flynn? Pinsan ko pala siya,” sabi pa niya habang natatawa. Lumingon ako sa kanya at sinipat ang mukha niya habang inaalala naman ang mukha ni Flynn. Mag pinsan ba talaga sila? Bakit wala akong nakikitang pagkakamukha sa kanila? “Huwag mo akong tignan ng ganyan. Sobrang nag matured lang siguro ang mukha ko kaya hindi na ako masyado nahahawig kay Flynn,” paliwanag pa niya sa akin. “Kwentuhan mo nalang ako ng history ng ibon mo. Tignan natin ang talino mo, huh.” dugtong pa niya at parang hinahamon pa ako. “Ako? Hinahamon mo? Ako talaga, Draven? Final na 'yan?” naninigurado kong tanong. “Well, my Palm Cockatoo also known as the Goliath Cockatoo is a large smokey-grey of the cockatoo family. My Goliath is not that large. Baby pa kasi ito ng ibinigay sa akin ni Flynn. Their scientific name is Probosciger atterimus, and their family is Cacatuidae, kingdom is Animalia and their class is Aves!” proud kong sagot rito. Pag sa mga hayop ay marami akong alam diyan. Sa mga sea creatures lang hindi. Takot ako sa mga itsura nila. Hindi ko gusto ang awra ng mga mukha ng sea creatures. Mapa isda pa 'yan o kahit ano! Basta ayoko sa dagat. “Nag search ka lang ata sa google, eh.” nanunukso ang boses niya. “Hindi ko na ipagkakaila 'yon. Ganon naman talaga palagi ang ginagawa ko. Mag sesearch ako ng mga animals sa google and pag aaralan ko ito,” banat ko sa kanya. Hindi naman kasi lahat ng uri ng hayop ay pinag aaralan namin sa university na'yon. Nag se-self study ako madalas sa kwarto kapag hindi ko gusto lumabas. “Teka nga! Saan ba tayo pupunta?” tanong niya. “Ikaw bahala! Basta ayoko sa walang pagkain. Gutom na ako,” sagot ko nalang atsaka may kung anong kinalikot sa phone. “Lumalabas ka ng naka short?” tanong na naman niya. Tinignan ko ang short ko, hindi naman ganoong kaikli. Ayos lang naman ah. Atsaka hindi naman ako nahihiya kasi lahat naman ng tao may legs. “Oo, bakit? Issue na naman,” sabi ko habang natatawa. “Hindi loko. Ang akala ko kasi hindi. Napaka sungit mong tignan sa totoo lang,” pag aamin niya sa akin. “Oh? Hindi lang masungit. Masama pang tao,” sabi ko pa. Natawa siya ng mahina. Ang akala niya siguro nagbibiro ako, eh. Mukha ba kong nagbibiro? Nag sasabi lang naman ako ng totoo. “Hindi ba't sa university ka namin papasok? Malalaman mo ang totoo,” naiirita kong dugtong pa. Inilibot lang ako ni Draven sa buong syudad. Gabi na ng ihatid niya ako sa bahay. “Sige na, maaksidente ka sana,” natatawa kong sabi. Inintay ko muna siya makaalis atsaka pumasok sa loob ng bahay. Baka kasi mamaya e, may bumugbog sa kanya rito. Cargo ko pa. Hindi ko basta basta nagtitiwala sa tao. Mahirap makuha ang respeto at tiwala ko kapag baguhan ka palang sa akin. Yang si Draven? Walang wala akong tiwala diyan. Kaya lang naman ako sumama sa kanya kanina dahil wala lang. Gusto ko lang na malaman ang ibang impormasyon sa kanya in future project. Kaso hindi naman niya sinagot. Ayos lang yon, meron pa namang susunod na araw. “Saan ka na naman galing? Anong oras na ah!” sigaw na naman sa akin ni George, Daddy ko. “Diyan lang,” malamig na sagot ko at tuloy tuloy na naglakad. “Aba’t bastos kang bata ka ah! Kinakausap pa kita!” sigaw na naman niya. See? Impyernong bahay. Walang kalayaan. Laging sinisigurado kung saan ako pupunta. “Matagal na,” sagot ko muli. “Tama na, honey.” pigil ni Anna sa kanya, Mommy ko. Narinig ko ang malakas ng buntong hininga bago makapasok sa kwarto. Kapag ako nakapagtapos ng pag aaral at may sarili ng kinikita, aalis talaga ako sa bahay na'to at mamumuhay mag-isa. Hindi ko gugustuhin na tumira sa bahay na may demonyo. Maaga ako nagising at naligo ka agad. May pasok kami ngayon dahil lunes na. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ng mga Prof namin dahil lunes na lunes ay PE kami. Tuloy, naka civillian lang kaming papasok pero dapat ay nakakagalaw kami ng maayos roon. Dagdag pahirap pa. Hindi nga pala ako mahihirapan, hindi naman kasi ako sumasali sa mga activities. Bawi naman iyon sa mga nakukuha ko sa exams. Pagpasok ko ng room ay masama na agad na mukha ni Cleo ang bumungad sa akin. Binati ko pa siya pero hindi niya ako pinansin sa halip ay inirapan pa ako. Wala pang naman sa akin 'yon. “Problema ng kaibigan mo, Flynn?” natatawa kong tanong ng makaupo sa tabi ni Flynn. “Ewan ko ba diyan. Tinotopak yata,” sagot nito habang nagbabasa. Multi-tasking ampota. “Um-attend ka ng PE mamaya,” tipid na sabi ni Flynn. “Ayoko nga. Tinatamad pa ako!” reklamo ko. Habang nakadukdok sa mesa ay naalala ko ang sinabi ni Draven kagabi! “Hoy, hoy! Ikaw ha! Pinsan mo pala si Draven hindi mo manlang sinabi?” Niyuyugyog ko siya habang sinasabi ko iyon. Agad niyang inayos ang salamin at bumuntong hininga, “Oo. Hindi ko na sinabi, hindi naman na importante pa 'yun.” simpleng sagot niya. Tumahimik nalang ako sa isang tabi at hindi na kumibo. Ayoko naman na din na humaba pa ang usapan. Ang boring kausap nitong si Flynn kapag nag aaral siya. Parang napipilitan lagi sumagot. Itong si Cleo naman, tinotopak. Hindi naman makausap kasi hindi rin naman sumasagot at puro irap lang ang ginagawa kapag nakikita kami. Hindi ko ugaling manuyo. Habang nakaupo ako sa bench malapit sa field ay biglang may humarang sa harapan ko. “May pinapanood ako, pwedeng lumayas ka diyan? Hindi malaki mong tiyan ang titignan ko,” naiirita kong sabi. “Bakit kayo magkasama ni Draven kahapon?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD