“Where’s my Mom?” walang emosyon kong sabi.
“Ugh,” yumuko siya.
“Where. is. my. Mom?!” madiin kong tanong muli.
Baka mamaya kung ano na ang nangyayari sa kanya duon sa loob! Kailan kong puntahan siya agad puntahan!
“K-kase,” putol putol na sabi nito.
Naiinis na ako ng tuluyan. Hindi na ako nagsalita dahil baka mamaya ay kung ano pang magawa ko kapag hindi ko na napigilan ang sarili ko.
“W-wala talaga dito si Tita. Pa-palusot ko lang 'yon—“
Hindi na niya natapos ang sasabihin sana niya dahil sinampal ko kaagad siya. Alam kong mali ang manakit ng babae. Pero kung ganitong ugali lang ang makakaharap mo? Mas mabuti ng ganoon ang mangyari.
“Binalaan na kita noon, Lyeei. Huwag na huwag mo ng idinadamay ang isa sa pamilya ko, dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!” galit na galit na sabi ko sa kanya.
Walang kapatawaran ang ginawa niya sa pamilya ko. Wala!
“I- I’m sorry. Gusto lang kita ma-makausap,” umiiyak niyang sabi habang nakahawak sa pisngi.
“Puro walang kwentang bagay lang ang lumalabas sa bibig mo. Tandaan mo yan. One more time, Lyeei. Baka mawalan na ako ng awa sa'yo,” malamig kong sabi at naglakad papunta sa kotse.
Bubuksan ko na sana ang kotse ng bigla may humablot sa kamay ko at hinalikan ako.
Naitulak ko agad si Lyeei dahilan para mapaupo siya sa malamig na simento.
“Hindi kaba nandidiri sa sarili mo, ha? Tangina! Bigyan mo ng dignidad yang sarili mo!” sigaw ko sa kanya.
“Bakit? 'Yong ginawa mo ba sa akin kagabi duon sa bahay nila Maxen? Ano 'yon?” umiiyak na tanong niya.
Natawa ako at napahilamos sa mukha, “Iyon ba? Malaking kasalanan 'yon. At wala lang sa akin 'yon,” sagot ko.
Wala akong paki kung masaktan man siya ng sobra ngayon. Bakit? Naawa ba siya sa akin ng patayin niya si Dad? Ng angkinin niya ang pinaghirapang kumpanya ni Dad?
Sumakay na ako sa kotse at iniwan siyang naka salampak ruon. Wala akong paki kung may nakakita man sa ginawa ko na 'yon sa kanya.
Hindi ako tinuruan ni Dad na manakit ng babae, pero sa puntong 'yon, napuno na ako. Kulang pa 'yon. Kulang pa sa lahat ng ginawa niya sa amin. Sising sisi ako kung bakit pa ako nagmakaawa kay Dad na siya nalang ang pakasalan ko kaysa sa kapatid niya.
Yeah, meron pang kapatid si Lyeei. Si Laei, siya dapat ang papakasalan ko pero kilala ko na si Lyeei nuon. Nag request ako kay Dad na baka pupwede na si Lyeei nalang dahil hindi ko gusto ang ugali ni Laei.
Parehas lang pala sila ng ugali ng kapatid niya.
“Saan ka galing?” tanong sa akin ni Mom pagpasok ng bahay.
Niyakap ko agad siya, “Good morning, Mom. May pinuntahan lang ako,” sagot ko at hinalikan siya sa pisngi.
Nagtataka si Mom sa kinikilos ko bigla. Nag alala lang ako kaya ganoon siguro. Umakyat agad ako sa kwarto pagkakain ko.
Pakiramdam ko ay pagod na pagod ang katawan ko kahit wala naman akong ginagawa. Katawan ko nga ba o ang isip ko?
Huminga ako ng malamin bago humiga sa kama at natulog muli.
Pag gising ko ay umalis ako ng bahay. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta ay umalis lang ako.
Bumalik lang ang wisyo ko ng mapansing nasa loob ako ng subdivision nila Tita. Hindi ko alam kung bakit ako napunta rito. Basta ay nag drive lang ako kanina.
Nagulat ako ng madaanan ang isang mansiyon. Maganda siya, maluwang.
Hindi ko alam kung bakit ako napatitig duon. Nanlaki bigla ang mata ko ng matanaw ko si Sia sa balcony sa itaas na palapag.
May kinakausap siya duon dahil nkikita ko ang pagbuka ng bibig niya.
Binuksan ko ang bintana ng kotse at pilit na tinitignan kung sino ang kausap niya.
Isang Goliath Cockatoo na naka kulong sa hindi kalakihang hawla.
Sobra akong namangha sa pag ka smokey-grey na kulay nito. Bakit naman kaya iyon ang nagustuhan niya sa lahat ng ibon? Masyado itong matapang na ibon kung titignan mo.
Naalala ko bigla si Ate, isa rin kasi ang Goliath Cockatoo sa mga paborito niyang hayop. Bukod sa mga sea creature, ay gusto niya rin ng iba't ibang klase ng ibon. Sayang at wala si Ate rito para makita niya ito.
Infairness, huh? Mayaman rin pala itong si Sia. Wala sa awra niya na ganito siya kayaman. Teka, baka mamaya ay katulong lang pala siya diyan? Oh no, don’t judge a book by it’s cover.
Nagtataka kayo kung saan ko nakuha ang pangalan niya? Kay Flynn lang naman. Yas, kay Flynn. Flynn is my cousin. Close cousin.
Hindi halata kase malaki ang ipinagbago ko simula ng mag migrate kami sa America. Hindi ko nga nakilala agad si Flynn dahil hindi na siya katulad dati na nerd. Sino naman kaya ang nagpabago sa kanya?
Biglang tumunog sa phone ko. Tinignan ko ito.
s.anderson sent a message request.
Sino naman kaya 'yun? Nakakunot ang noo ko habang tinitignan ang nag send ng message request sa akin. Anderson ang nakalagay baka taga ibang bansa or baka isa sa mga kaibigan ko sa America.
Anong ginagawa mo diyan sa labas?
Pagbasa ko sa nag chat. Huh?
Sinilip ko muli si Sia sa balcony, pero wala na siya roon.
“Palakaaaaaa!” sigaw ko habang inilalayo ang mukha ko.
“Ang ganda ko naman yatang palaka?” natatawang sabi ni Sia.
Bigla nalang kasi siyang lumitaw rito sa harapan ng kotse.
“Oo na! Bakit kaba nandito?” iritadong tanong ko.
Mas lalo pa siyang natawa. Ano bang nakakatawa sa tanong ko? E tinanong ko lang naman siya kung ano ang ginagawa niya rito?
“Ako pa talaga ang tatanungin mo niyan ha? Dito mismo sa lupain namin?”
Ay. Oo nga, medyo mali ako sa sinabi ko na 'yon ah.
“Ah. Wala! Pupunta sana ako kila Tita pero nakita kita duon sa balcony,” sagot ko habang nakatingin sa manibela. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatingin sa mata niya.
“Tara! Tutal nandito ka naman na. Samahan mo'ko. Bawal umarte,” sabi niya habang tuloy tuloy na dumiretso sa passenger seat.
Wala na akong magagawa. Napangisi nalang ako at nag drive na palabas ng subdivision.
“Kaano ano mo si Lyeei?”