Sia’s Wala akong nagawa kundi pumayag. Pinilit kasi ako ng pinilit ni Cleo. Kesyo sayang raw. Syempre nagpaalam ako sa mga demonyo. Baka mamaya bumisita sila sa condo, kung ano na naman ang isipin nila. Baka ipahaluglog ang buong Pilipinas kapag nataon. Nagulat ako ng malamang sa isang araw na ang flight namin! Expected ko, sa isang bwan pa after ng graduation. Mag rereklamo na sana ako ng hampasin ako noon ni Cleo sa braso. “Bumili na tayo ng mga damit na susuotin natin!” excited na sabi ni Cleo. “Ikaw lang ang bibili. Hindi ko na kailangan non. Kay dami daming damit diyan eh,” sabi ko pa. Dumaan ang ilang araw, nag eempake na kami ni Cleo rito sa condo ko. Nag sleepover siya rito kasi bukas na ang flight namin. Hindi ko namamalayan na sobrang bilis ng araw. Parang kailan lang

