Lumipas ang araw, walang masyadong nangyari. Hindi na rin naman kami nagpapansinan ni Draven. I don’t know why. Just mind your own business, right? “Hey hey. Ilang araw nalang graduation naaa!” tili ni Cleo. I think mga three weeks from now. Hindi pa ako ready mag trabaho. Wala pa nga akong naiisip na papasukan ko, after. Kinabukasan, nag punta kami ni Cleo sa mall para mamili ng mga gamit ko. Bumili na kasi ako ng condo. Una, ayaw pa nila na umalis ako ng bahay, pero hindi nila ako mapipigilan sa gusto ko. Ayoko naman na doon sa mala-impyernong bahay. “I think we need to buy this,” sabi ni Cleo habang tumitingin sa mga appliances. Ito siguro ang pinaka nakaka stress na parte kapag bagong lipat ka or pag may bagong bahay ka. Magaling naman si Cleo sa pamimili kaya tango lang ako ng

