After ng Samgyup namin, napagpasyahan na din naman namin umuwi agad dahil nag iinarte na si Cleo. Hindi manlang namin na-enjoy masyado. Si Cleo kasi, pag pasok palang naminsa restaurant ay pinapapadalian niya na. Na weirduhan kami sa inakto ni Cleo kanina.
Kinaumagahan, ala-sais palang ng umaga ay umalis na ako sa bahay. Mamaya itanong na naman nila kung saan ako nagpunta kagabi.
Mala impyerno ang bahay na'to. Simula ng malaman kong adopted child lang ako, duon ako nagbago. Hindi ko alam kung bakit. Feeling ko ay madumi akong tao kasi hindi naman ko naman totoong magulang ang pinakikisamahan ko ngayon. Palagi na rin ako binubugbog ni George— yung tumatayong tatay ko, dahil parati ko daw sinasagot si Anna— ang tumatayo kong nanay.
Hindi ako gumaganti sa ginagawa nila sa akin. Hinahayaan ko nalang. Hindi ko naman obligado pang gumanti, basta masaya silaw sa ginagawa nila, ayos lang sa akin.
Mayaman ang mag asawang kumupkop sa akin. May mansiyon sila sa Tagaytay, isang resthouse malapit sa Boracay at may sariling kumpanya. Wala na akong balak pang alamin kung ano ang trabaho nila, ang mahalaga, nakakahinga pa rin ako.
Sinasabi sa akin ni George na lumalaki daw akong suwail, alam ko naman 'yon. Kasalanan ko rin kasi nagpakain ako sa galit ko. Ngayon, pinipilit ko namang baguhin pero nahihirapan na ako.
Gustong gusto ko makita sa totoong magulang ko. Gusto kong itanong kung bakit pa nila ako kailangang ipa-ampon. Hindi ba't kapag mahal ng magulang ay ayaw ka niya mawala? Eh, bakit sa akin sila mismo ang nag taboy, sila mismo ang nagpa-ampon sa akin?
Buong akala ko, masaya kapag mayaman. Walang hirap kapag mayaman, kumportable kapag mayaman. Hindi pala. May mga bagay na hahanap hanapin ka na wala sa mayayaman. 'Yun ang tunay na pagmamahal.
Binibilan nila ako ng mga bagay na gusto ko, pinapakain nila ako ng masasarap na pagkain, binibihisan nila ako ang magara, ang tanong, mahala ba talaga nila ako?
Hindi ko pa nararamdaman ang tunay na pagmamahal simula nuon.
“Pst!”
Lumingon ako sa paligid baka sakaling ako yung tinatawag. Medyo nakakasira ng pag e emote 'yon ah.
“Pst!” tawag ulit ng kung sino.
Hindi ko nalang pinansin at baka nantitrip lang.
“Pst! Pst! Pst!” sunod sunod na baswit.
Huminto na ako sa paglalakad at pumikit, nagtitimpi.
“Kapag hindi ka lumabas, mapipilitan akong hanapin ka kung nasaan ka man at bumulagta kung nasaan ka man,” nagpipigil na inis ko.
Biglang may lumabas na batang babae sa matataas na d**o rito sa loob ng subdivision, “Kayo naman, ate! Hindi naman po ikaw ang binabaswitan ko, ayun oh!”
Tinuro niya ang kalaro niya siguro m. Lumilinga linga ito at para bang may hinahanap.
“Aha! Andyan ka lang pala ah! Boom Bebang!” sigaw nito at nagtatakbo paalis.
Nakamot nalang ng bata ang ulo niya. Seriously? Ganito kainitan tapos maglalaro sila ng tagu-taguan?
“Ikaw kasi, ate eh! Ayan tuloy, nataya na naman ako,” dismayadong sabi niya.
“May suggestion ako, gabi kayo maglaro ng tagu-taguan para masaya,” ngumiti ako ng nakakaloko at diniretso na ang lakad.
Tignan ko pa kung hindi madala ang mga batang 'to. Katanghaliang tapat mga nagpapawis.
“Hoy. Saan si Lyeei?” bungad sa akin ni Cleo pag pasok ko sa room.
Tinignan ko ang paligid ko, “Saan nga ba?” biro ko rito.
“Aba ewan ko! Tinatanong ko nga sa'yo, eh!” nakasimangot niyang sabi.
Nagkibit balikat nalang ako. Ewan ko sa babaeng 'yun. Ni hindi naman nag text o chat sa akin. Hindi ako mahilig mag first move, no!
“Flynn, anong susunod after nito?” tanong ko. Siya kasi ang katabi ko since bakante ang katabi kong upuan at dito ko na pinaupo dahil sa mga bullies nuon.
“Wala. Vacant natin,” sagot niya habang sinasagutan ang nasa libro.
Naka cross arms lang ako habang nakatingin sa sinasagutan niya. Gustong gusto ko na matulog pero hindi pwede kasi si Flynn ang katabi ko. Baka mamaya ay batukan ako nito.
Agad naman siyang natapos roon dahil matalino naman si Flynn dahil subsob na subsob ito sa pag aaral.
Nalamangan na niya ako ng kaunti sa grades. Pero wala naman akong paki roon. Sadyang alam ko lang ang mga bagay. Dahil lahat ay ginagamitan ng common sense. Kung wala ka nito, hindi mo maiintindihan ang mga bagay, iyan ang palagi mong tatandaan.
“Hoy, rambulan kayo?” sigaw ko roon sa dalawang lalaki na pumagitna agad paglabas ng Prof namin.
“Eh, anong paki alam mo ha? Ikaw, napaka yabang mo 'no? Sino kaba sa inaakala mo?! Pare-pareho lang naman tayong estudyante rito pero kung maka asta ka!” sigaw nito sa akin.
Problema non? Tinanong ko lang naman kung mag rarambulan sila. Hindi ko naman balak sumali sa mga ganong bagay. Atsaka mukhang may tama.
Bumaba ako at lumapit sa kanya. Naamoy ko pa ang Empi sa hininga niya.
Agad ako napaiwas dahil ang baho noon.
“Jusmiyo. Ikaw, sa tiyan dinidiretso ang alak ha? Hindi sa utak! Lampa!” sigaw ko rito.
Susuntukin niya na sana ako pero agad kong napigilan ang kamao niya bago dumapo sa maganda kong mukha ng walang kahirap-hirap.
Umismid ako at ikot ang kamay niya. Namilipit agad siya habang itinuturo ang kamay niyang pinilipit ko.
“Matuto kang rumespeto sa nakaka-lakas sa'yo,” sabi ko habang natatawa.
Agad ko yon binitawan. Nasa amin na naman pala ang atensiyon ng lahat. Tinignan ko si Flynn at Cleo na hanggang ngayon ay gulat na gulat pa rin sa ginawa ko.
Never kong ginawa ang mamisikal sa loob ng room. Madalas ko lang itong ginagawa sa rooftop o hindi kaya ay sa tagong lugar. Minsan lang ako mamisikal sa harap ng tao kung napuno na talaga ako.
Katulad nalang ng kaklase namin na iyon. Akala mo kung sinong malakas, takot naman pala.