CINDY'S POV
Ilang araw narin ng may manyari kay Carlo at Misty. Ako ang nagplano at nag utos kay Carlo na mga dapat gawin kay Misty.
Ako ang nagready ng reservation sa hotel kung saan niya idadate si Misty. Napuno na talaga ang galit sa dibdib ko.
Inagaw sakin ni Misty ang Top model na position ko dati tapos ay siya pa ang gusto ni Waren kaya siya nakipag break sakin.
Si Carlo naman ay ginagamit ko rin para makaganti at sunod sunuran naman ito sa akin dahil mahal parin niya ako at ginagamit ko ang pagmamahal niya nayun sa akin para mapasunod siya sa mga plano ko. Alam ko naman na matagal na may gusto si Misty kay Carlo pero sorry siya ako ata ang mahal ni Carlo kaya ipapatikim ko rin sa kaniya kung paano masaktan at maging broken pero mas masakit ang ganti ko sa kanya.
Alam ko kapalit ng pagiging sunod sunuran ni Carlo sakin ay ang pangako ko na magiging kami kapag hinayaan nya ako makaganti sa tulong niya.
Kaya ginawa ko vinideo ko ang nanyari sa kanila ni Misty at balak ko ito ikalat sa social media para masira ang career niya at madismaya si Waren sa kaniya. Double kill talaga ito at sumasang ayon ito sa akin. Hindi alam ni Carlo ang plano ko na ito pero malalaman nalang niya to pag kumalat na ang video.
Kasama ko si Janice na nakaharap sa laptop ko. At ready na ang video ni Misty at Carlo na ma upload sa social media. At syempre una ko ito ipapadala sa mama ni Carlo, Waren at Kay sir Anthon.
"Cindy? Seryoso kaba talaga?" Sabi ni janice na pinsan ko.
"Oo naman, wala na akong oras pa para makonsensya" sabi ko rito.
Tapos ay inupload ko na ang video at sinend ito sa mga taong malapit kay Misty. Syempre gumamit ako ng dummy account para hindi malaman na ako ang may kagagawan.
MISTY POV
Nasa studio kami ni Waren at chinecheck nalang namin ang mga shots ng photographer. Masaya kaming tumatawa ni Waren kase meron kami Wacky picture at kinukulit namin ang photographer na ipasa sa amin iyon.
After sa studio ay magkasama kami ni Waren lumabas at napansin ko pa na may mga model din sa labas ng studio na napatingin sa amin at bigla nag bulungan. Hindi ko nalang iyon pinansin.
Pag pasok namin sa elevator ay may mga kasabay din kami staff at mga model rin sa building na ito. Narinig pa namin ni waren nag bulungan ang mga ito.
"Kadiri noh.. akala ko matinong babae yan may tinatago din pala."
"Korek ka girl, may mga ganyan talaga nasa loob ang kulo" sabi pa ng isang babae.
"Ang sabihin nyo may tinatagong landi" sabi naman ng isang kasama nila.
Tatlo kase sila na nag chichismisan at di naman namin alam kung sino ba ang chinichismis nila.
Pagdating sa Ground floor ay sabay na kami nag silabasan lahat sa loob at may mga tao pa sa labby at nang mapatingin sa amin ay nagbulungan.
"Confirm sya nga talaga." Narinig ko pang sabi ng isang babae sa front desk.
Nagtinginan lang kami ni Waren pareho namin pinakikiramdaman ang nanyayari.
Maya maya pa ay tumunog ang cellphone ni Waren. Tapos ay chineck nya ang text message sa kanya.
Naglalakad kami non ng bigla huminto si Waren sa paglalakad. Kaya binalikan ko ito.
"Waren? Bakit?" Tanong ko rito na titig na titig sa cellphone nya.
"Waren?" Tawag ko kitang kita ko ang gulat ng reaksyon nito. Dahan dahan itong tumingin sa akin. Halos maluha luha ang mga mata nito.
"May nanyari ba?" Pag aalang tanong ko.
May dumaan na babae sa gilid ko at tinignan ako mula ulo hanggang paa. May kasama itong babae.
"Siya si Misty Clavel yung may s*x scandal na viral ngayon." Sabi nito at tinuro ako. Nagulat naman ako sa sinabi nito at di ako makapaniwala sa narinig ko.
Anong s*x scandal? Bigla nalang ako nakaramdam ng kaba sa dibdib at takot sa mga naririnig ko mula pa kanina at lalong nag palinaw yung sinabi ng babae na may s*x scandal ako. Kaya ba sila nakatingin kanina sakin at nagbubulungan?
Paano naman ako magkakaroon ng s*x scandal?
Bigla ako hinila ni Waren palabas ng building at mabilis ako pinasok sa sasakyan niya.
"W-waren a-ano ba nanyayare?" Kinakabahan na tanong ko.
Naramdaman ko huminga ng malalim si Waren at halos naiilang itong tumingin sa akin. Hawak parin ang phone nya at mahigpit ang pagkakahawak niya dito.
"Bakit kaya nila sinasabi na may s*x scandal ako?" Halos mapaluha na ako sa kaba at takot.
"M-misty" nauutal na tawag nito sa pangalan ko. At dahan dahan niya inaabot ang cellphone niya sa akin. Bumilis ang t***k ng puso ko at parang tumatayo na ang balahibo diko pa man nakikita kung ano ba meron sa phone ni Waren.
Kinuha ko ito at tinignan kung ano nga ba meron sa phone niya.
Halos nagsitayuan nga ang balahibo ko sa nakita ko. Ako at si Carlo noong araw na yon. Lahat yon naka video.
Halos mamugto ang luha sa mga mata ko. Walang hiya ang may gawa nito. Sino may gawa nito. Malabong si Carlo alam ko hindi niya kaya gawin to sakin.
Sino may gawa? Yung mga staff kaya ng hotel? Pero bakit naman nila to gagawin.
Halos bumuhos ang luha ko sa sobrang kahihiyan. Kitang kita doon ang mukha at katawan ko.
Ano gagawin ko?
"Misty" hinihimas himas ni Waren ang likod ko dahil humihikbi na ako sa iyak.
"Waren ano gagawin ko?" Tanong ko rito.
"Huminahon ka lang Misty" sabi nito at niyakap ako at sinandal ko ang baba ko sa balikat nito.
"Kailangan natin malaman sino nagpakalat at sino may gawa ng video na yan" dugtong pa nito.
"Sino gagawa nito sakin Waren" garalgal ang boses ko.
"Tingin ko si Carlo gumawa nyan sayo" sabi nito.
Umalis ako sa pagkakayakap nito at tinignan siya at umiling uling ako.
"Hindi niya yun magagawa sa akin, mahal ako ni Carlo" pagtatanggol ko rito.
"Pero kilala mo si Carlo diba? Galit siya sayo. Ginamit ka niya at gusto ka niya sirain!" Sabi nito at umiling iling parin ako bilang pag tutol.
"Di mo ba napapansin bakit ka niya liligawan gayong alam ko lagi sila nag sasama ni Cindy?"
"Mahal ako ni Carlo at nararamdaman ko iyon" sabi ko rito.
"Sinabi nya ba sayo na mahal ka niya?" Sabi nito.
Saglit ay natigilan ako sa sinabi niya. Ni minsan ay hindi sinabi ni Carlo na mahal niya ako simula ng maging kami.
Ang alam ko lang sinabi niya noon ay gusto nya ako maging Girlfriend at Sakanya lang daw ako. Pero hindi ko pa naririnig sabihin niya sakin na mahal niya ako dahil ako lagi ang nagsasabi nun.
Pero hindi yun sapat na dahilan para pagbintangan ko siya at isipan ng masama.
Hinatid na ako ni Waren sa bahay namumula parin ang mga mata ko sa pagiyak.
"Misty" Tawag nito matapos buksan ang pinto ng kotse. Tulala parin ako at naroon parin ang takot ko na umuwi. Paano kung malaman ito ni Tatay.
"Nandito na tayo Misty" sabi pa ni Waren at pinapakiramdaman ang kilos ko. Namimilog na luha ang bumagsak sa aking mga mata matapos ko tumingin kay Waren.
"P-paano kung malaman ni Tatay" Garalgal parin na sabi ko para bang nagbabara ang boses ko dahil sa pagiyak ko.
"Wala ka kasalanan, hindi mo ginusto yung nanyari" Sabi nito.
"Natatakot ako Waren" Sabi ko rito. "Ayoko umuwi Waren"
"P-pero Misty?"
"Parang awa mo na Waren, dalhin mo ako sa ibang lugar habang di pa nila tayo nakikita please" Pagmamakaawa at patuloy parin ang paghagulgol ko sa pag iyak.