Waren POV
Dinala ko si Misty sa bahay namin tutal ay lagi naman busy ang mom and dad ko sa business nila kaya nag desisyon nalang ako iuwi ito sa bahay namin.
Tulala parin ito at kitang kita ang sakit na nararamdaman nito. Fck you ka Carlo! Binaboy mo si Misty. Galit na galit ako sa nakikita ko at di ako makapaniwala na kaya niya gawin ito kay Misty. Walang puso lamang ang kayang gumawa nito kay Misty at wala na ibang dapat sisihin kundi ang Carlo Villagracia na yun! Humanda Siya!
"Dito ka muna Misty" sabi ko at pinaupo ko ito sa sofa sa living room.
"Salamat Waren" sabi nito.
"Dito ka muna Misty at ikukuha kita ng maiinom mo" sabi ko rito at nakita ko pa tumango ito.
Pag dating ko sa kusina ay kinuha ko sa ref ang isang pitsel na may tubig tapos ay nilapag sa lamesa. Bago ako pumunta kay Misty ay may dinial muna ako sa phone ko.
Nag ring naman ito at agad din na sagot.
"Sino to?" Bungad naman agad ng boses sa kabilang linya. Nag igting ang panga ko ng marinig ang boses nito
"Hayop ka Carlo!" Sabi ko ngunit pinipigilan ko maging malakas ang boses ko kahit gigil nq gigil na ako baka kase marinig ni Misty ang boses ko.
"What? Sino kaba?"
"Ako to ongas! Gag* ka! Ano ginawa mo kay Misty hayop ka!" Nanggigigil na talaga ako halos gusto ko hugutin si Carlo mula sa telepono ko.
"Ikaw ba to Waren? Teka ano bayang sinasabi mo?" Maang maangan na sabi nito.
"Oo ako to! Wag ka mag maang maangan hayup ka! Matapos mo pagsawaan si Misty ay kinalat mo pa yung video na nag sesex kayo? Sabihin mo nga sakin kung tao ka ba talaga? Ha?!"
"Ano?!" Tila nagulat pa ito sa sinabi ko.
"f**k you Carlo! Isusumpa kita hayop ka!" Sabi ko at pinatay ang telepono.
Huminga ako ng malalim bago tuluyang pumunta kay Misty na tulala parin. Nilapag ko ang baso at sinalinan ng tubig mula sa pitsel.
"I'm sorry Misty, uminom ka muna ng tubig para umayos pakiramdam mo." Sabi ko rito. Pilit itong ngumiti at kinuha ang baso at agad itong uminom.
Hindi ko alam kung paano ko ba siya matutulungan sa nanyari sa kaniya wala ako magawa.
CARLO POV
Nagmamadali ako pumunta sa bahay ni Cindy matapos ko mapanood ang tinutukoy ni Waren ng tawagan niya ako. Galit na galit ito. At maging ako ay nagagalit sa nanyayari kitang kita ang mukha ni Misty pero hindi naman nakita ang mukha ko sa video pero malaking kahihiyan to para kay Misty at viral ito sa social media. At isang tao lang naman ay may motibo na gawin ito.
Siya lang naman ang may pakana na dalhin ko si Misty sa hotel para may manyari sa amin. At siya ang nag ready ng lahat like reservation sa hotel, saka yung niregalo ko kay Misty na Bracelet ay sa kaniya rin galing at binigay niya lang sa akin para iregalo ko daw kay Misty. Pero di ko naisip na yun pala ang gagawin niya ang videohan kami at ikalat ito. Ito pala yung sinasabi niya na sisira sa career ni Misty.
Pero sobrang sakit nito at hindi ito biro.
Agad ako nag door bell sa gate nila Cindy at agad naman ako pinagbuksan ng yaya nila. Dali dali ako pumasok doon at iniwan ang kotse ko sa labas ng gate nila.
"Cindy!!!" Galit na galit ako kumatok sa pintuan nila.
"Sir nasa kwarto po si Ma'am Cindy" sabi ng yaya na kasunod ko at binuksan nito ang pinto, pagkabukas ng pinto ay agad ako pumasok.
"Paki tawag please" sabi ko rito at nagmadali naman itong umakyat sa kwarto ni cindy.
Ilang minuto pa ay bumaba na ito.
"Oh Carlo? What happened?" Nakangiting sabi nito. Parang wala itong ginawang kasalanan sa mga pinaggagawa nito.
"Cindy.. ikaw ba may pakana nun?" Galit na tanong ko rito.
"Nang alin?" Maang maangan na tanong nito.
"C'mon Cindy! I knew it! You plan it right?!" Pasigaw na sabi ko rito.
Kumunot noo ito at nag taas ng kilay.
"So what?" Kalmado pang sabi nito.
"So what?! Anong so what? Hindi mo sinabi sakin na ganito pala gagawin mo?!" Halos mangibabaw ang boses ko sa bahay nila Cindy.
"Yes it's me! I don't care! All I want is to have revenge with that woman!"
"Pero sobra naman yun Cindy?"
"Wala na! Hindi na natin mababawi pa kase nanyari na Carlo! Kumalat na ang video niya!"
"Pwede ka makulong sa ginagawa mo Cindy?!"
"Ano sabi mo? Bakit isusumbong mo ako?"
Nanahimik ako saglit. Hindi ko kayang isumbong si Cindy dahil mahal ko siya pero ano gagawin ko paano si Misty?
"Tandaan mo kasama kita at damay ka sa mga ginawa ko!" Pananakot pa nito napalunok naman ako ng malalim sa sinabi nito. "Ipapaalala ko lang sayo kung sino ba si Carlo Villagracia. Si Carlo Villagracia lang naman ang magmamana ng Family Business nila na isa sa mga big time company dito sa bansa? Ano nalang kaya magiging reaksyon ni Ms Carla at ng mga Share holders ng kumpanya nyo pag nalaman---" Hindi ko na ito pinatapos pa sa mga mahahabang sinabi nito dahil alam ko naman ang pinupunto niya.
"Shut up!!!"
Umalis na lamang ako sa bahay ni Cindy at sobrang galit na galit ako sa ginawa nito.
Pagkauwi ko ay agad bumungad sa sala sila Manong Marlon, Misty at si Mommy.
"Sino ang lalaki na yon anak?" Galit na galit ang papa ni Misty at sinampal ito.
"Akala ko ba matino kang babae bakit mo to nagawa sakin?!" Halos humagulgol ito sa iyak at tahimik naman na umiiyak si Misty. Nakita ko pang inawat ni Mommy ang papa ni Misty.
"Patawad Tay" halos mamaos na ang boses ni Misty na nakaluhod na sa papa niya.
"Sino yung hayop na lalake na yon! Bakit niya kinalat ang video na to!" Sigaw na sabi nito.
"Tay hindi po siya ang may gawa niyan tay!" Pagpapaliwanag pa ni misty sa papa niya. Hindi nila alam na ako yung lalake na kasama ni Misty sa video.
Napatingin naman sa akin si Mommy at hindi ko malaman pero mukhang sa masamang tingin na yun ay alam nya na ako ang lalake kasiping ni Misty sa video.
Paano nga ba na hindi niya makikilala ang anak niya.
"Pinagtatanggol mo pa ha? Bakit Misty? Sino ba ang lalake na nakasiping mo?! Papatayin ko siya anak! Hindi ako papayag na matapos ka niya pagsawaan ay ikakalat pa niya ang nayare sainyo! Hindi ako papayag!!!" Galit na galit ito at sa sobrang galit nito ay bigla nalamang itong natumba.
Lahat kami ay napalapit kay manong marlon.
"Diyos ko inaatake si Tatay!" Humahagulgol na sabi ni Misty.
Dinala namin si Manong Marlon sa ospital pero dead on arrival na ito.
Hindi kami makapaniwala na namatay ito sa atake sa highblood. Sobrang sakit nito para kay Misty at sobrang nakokonsensya ako sa nanyari.
Maya maya pa ay pareho kami nasa labas ng emergency room ni mommy at hinayaan namin si Misty na umiyak kasama ang Tatay niya na wala na buhay.
Hinugot ni Mom ang phone sa bulsa ng pantalon nito tapos ay may kinontak.
Matapos nito pindutin ang phone ay nilapit ito sa kanyang tenga habang pinupunasan ang mga luha sa mga mata.
"Hello secretary kim? --- Please find me an Professional I.T na kayang burahin lahat ng kumalat na video ni Misty Clavel sa social media and gusto ko tuluyan na mabura ang lahat ng nagpapakalat nito at ma trace kung sino ang original na nag post at kung sino ang tao na yan, okay? " Sabi ni mom at pinapakinggan pa nito sinasabi ng kausap "Okay asahan ko yan. Thank you secretary kim" sabi nito at binaba ang phone at nilagay ulit sa bulsa nito.
Tumingin ito sa akin ng masama.
"I know it's you!" Sabi nito at namumula pa ang ilong at mga mata nito sa pag iyak. Maging ako ay ganun din.
Halos mapalunok pa ako sa sinabi nito.
"Carlo tell me now!" Malakas ang boses nito. Ngayon ko pa lamang nakita ang ganitong galit at reaksyon ni mom.
Nayuko ako at halos mamilog ang luha sa mga mata ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.
"Y-yes mom it's me" nauutal na pag amin ko.
Halos mapaawang ang labi ni mom sa gulat.
"Ikaw yung lalake alam ko ikaw yun, pero hindi ako naniniwala na ikaw din ang nagkalat ng video nyo. I know it's not you right?" Umiiyak na sabi nito.
Patuloy rin dumadaloy ang luha sa mga mata ko. Masakit man pero kailangan ko aminin na ako din ang nagkalat ayoko mapahamak si Cindy.
"Y-yes mom it's me too" muli sabi ko.
Isang malakas na sampal nito sa pisngi ko halos matilapon ang mukha ko sa lakas nito.
"How dare you to that Carlo?! Pinalaki kita ng maayos! Bakit mo yun nagawa kay Misty? You abuse her love for you?"
"I'm sorry mom" yun lang ang nasabi ko.
"Why Carlo? Bakit mo yun ginawa?"
Hindi ako umimik. "Dahil sa ginawa mo Carlo namatayan ng Ama si Misty! Kailangan mo pagbayaran lahat ng kasalanan mo!"
Nagulat ako sa sinabi nito.
"Ipapakulong kita at pagbayaran mo lahat ng ginawa mo."
"Mom! Dont do that please. I'm sorry!" Sabi ko rito hinawakan ko ang magkabilang braso nito.
" You destroy Misty! Kaya kailangan mo managot sa ginawa mo"
"Mom, No please!" Pagmamakaawa ko pa rito.
"Ma'am Carla wag po!" Parehas kami nagkatinginan ni mommy kay Misty na nakikinig na pala sa aming usapan. Namumugto ang mga mata nito na lumapit sa amin.
"Mahal ko po si Carlo, wag niyo siya ipakulong!" Nagulat ako sa sinabi nito. Sa kabila ng lahat ay nagawa pa niya ako ipag tanggol.
"Pero Misty! Ginawan ka niya ng masama at kailangan nya pagbayaran yon! Kahit anak ko siya ay hindi ako papayag na hindi siya makulong sa ginawa niya sayo!"
"Maam Carla parang awa nyo na po please wag ayoko makulong si Carlo mahal ko po ang anak nyo!" Halos lumuhod na si Misty kay Mommy.
"Please don't do that Misty, stand up" Sabi nito at hinila niya patayo ito.
"Kung ganon, Pakakasalan mo si Misty, Carlo." Dugtong ni Mommy kasabay ang paglingon nito.
"W-what?" Nabigla ako sa sinabi nito at di makapaniwala.
Ito na ata ang karma ko sa lahat ng ginawa ko masama kay Misty.