Misty Clavel POV
Matapos ang isang buwan na pagkamatay ng aking Tatay ay inihanda na agad ni Ma'am Carla ang kasal namin.
Ito na nga ang araw na iyon. Nasa kotse na kami ng Kasama ko make up artist at papuntang simbahan naroon na raw si Carlo at hinihintay ako sa Altar. Kinakabahan ako na may halong tuwa. Tuwa na magiging asawa ko na ang lalaking matagal ko na pinapangarap. Pero na aalala ko si Tatay kung nabubuhay lamang siya ay siya ang maghahatid sa akin sa Altar.
Pag baba ko ng Kotse ay sumalubong sa akin ang Red Carpet patungo sa pinto ng Simbahan. Naka suot ako ng Wedding Gown na talagang pinaghandaan ni Ma'am Carla para sa akin.
Sinalubong naman ako sa pinto ng simbahan ni Waren. Siya nga pala ang maghahatid sa akin sa Groom. Halos maiyak iyak pa ito at natatawa naman ako sa reaksyon nito.
"Mistisa.. Nakakainis noh" Sabi nito matapos namin dahan dahan pumasok sa simbahan naka hawak ako sa braso nito. "Bakit ka naiinis Waren?" Tanong ko rito matapos ito sulyapan.
"Kase hanggang hatid nalang ako sayo" Sabi nito na bigla naman umismid sa tawa.
Natawa ako sa sinabi nito. Sawakas bumalik narin ang Waren na kilala ko na maloko matagal narin kase ito naging malungkot simula nung nag break sila ni Cindy at nakadagdag pa ako sa problema niya dahil ramdam ko nag alala talaga siya sa akin.
"Ikaw talaga Waren." Yun lang naging reaksyon ko matapos ay tumingin sa Taong nag hihintay sa amin sa Tapat ng Altar.
Nakasuot ito ng Navy Blue Suit at Inner White Polo na may silver tie. Di ko pa man ito nalalapitan pero nakikita ko kahit sa malayo ay napakagwapo nito. Ngunit wala naman reaksyon ang mukha nito naka kunot lamang ang noo nito nakatingin sa amin ni Waren.
"Take care always Mistisa, pag niloko ka ni Carlo ako makakalaban niya" Sabi nito sa akin at ngumiti lamang ako rito. "Salamat Waren, napakabait mo talagang kaibigan" Ngumiti ito bilang ganti.
Namalayan nalang namin na nasa tapat na kami ni Carlo at nakatingin ito sa amin nasa tabi nito si Ma'am Carla.
"Mukhang hanggang dito nalang ako ah" bulong ni Waren sa akin. Ngumiti ako rito matapos ko sya sulyapan. "Salamat Waren" Sabi ko rito.
Tumingin ako kay Ma'am Carla na nasa kabilang side ni Carlo at nasa likod naman ni Carlo si Father na mag lead sa aming kasal.
"Misty, Sobrang Saya ko para sayo" Masayang sabi ni Ma'am Carla tapos ay dinampi nito ang dalawang palad sa magkabila kong pisngi.
"Salamat po sa lahat ng sakripisyo nyo sa akin Ma'am Carla" Sabi ko rito. Nakita ko pa maluha luha itong ngumiti sa akin. "For now on, I want you to call me Mama" Namumula ako sa sinabi nito matapos bitawan ang mga pisngi ko. "M-mama salamat po" nauutal pa sabi ko rito.
"Matagal ko na kitang gustong maging anak, pero now you are part of the family because you and my son will be together forever."
"Thank you so much mama" Nakangiti kong sabi pinipigilan ko pa maluha dahil baka masira ang makeup ko. "Wag ka iiyak Misty ha? Ako nga gusto gusto ko na umiyak sa tuwa kaso lang baka maging zombie tayo" Natatawa ito at pinunasan ang mga luha nasa mata nito gamit ang panyo hawak. Nagkatinginan pa kami ni Waren na nasa tabi ko pa at nakikinig sa usapan namin.
"Ano chikahan nalang ba kayo dyan?" Bigla singit ni Carlo sa amin. Pareho kami napatingin rito na salubong ang kilay.
"Father start na tayo" Sabi nito at tinalikuran na kami at humarap kay father.
Nagsimula na umalis sila Waren at Mama Carla para umupo na sa kanilang pwesto. Ako naman ay dumikit na sa kabilang side ni Carlo para magsimula sa ceromony ng kasal.
Natapos na ang mahabang seremonya ng kasal at doon ay nangako kami sa harap ng altar na magiging matibay at matatag ang pagsasama namin sa hirap at ginhawa.
Ngumiti na si Father s amin.
"Congratulations to both of you! You may now kiss the bride" Sabi ni Father kay Carlo.
Tumingin naman sa akin si Carlo na parang walang kahit na ano reaksyon. Hinawakan nito ang aking ibabang baba. Ang mga mata nito ay tumungo na sa aking labi tapos ay unti unti nito nilapit ang mukha sa akin at dahan dahang dumampi ang labi nito sa akin. Napapikit naman ako ng maramdaman ko ang labi nito sa labi ko ngunit mabilis naman nito binawi ang labi niya at narinig ko nag palakpakan ang mga dumalo sa kasal.
Pagtapos sa simbahan ay nag tungo pa kami sa reception ng kasal namin ni Carlo. Sobrang napagod na kami pag uwi ng bahay.
"Oh why are you here?" Gulat na sabi ni Mama Carla sa amin. Nakaismid naman agad si Carlo at umupo sa Sofa at sinimulan na hubarin ang sapatos nito.
"Honey moon nyo ngayon dapat doon kayo sa nireserve ko hotel" Sabi nito at kinuha ang phone nito. "Hello? Manong driver? Bakit mo sila inuwi dito? Nakinig kaba sa instruction ko?" Sabi nito sa kausap at umupo narin ako sa tabi ni Carlo na naghuhubad parin ng sapatos.
"What?" Napatingin ako kay Mama Carla na gulat na gulat sa kausap niya. Okay fine! Thank you!" Sabi nito at binaba ang hawak na phone. Masama naman tinapunan nito ng tingin si Carlo na tumingin rin sa kaniya.
"Bakit mo pinigilan ang driver na pumunta sa honey moon venue nyo?" Tanong nito at umupo sa harapan namin ni carlo.
Nakita ko umiling iling si Carlo. "I'm not ready for this mom! Besides ikaw lang naman ang may gusto ng kasal namin ni Misty diba? Bakit kami mag honey moon doon? Ayoko ng maulit pa kung ano man ang nanyari samin ni Misty noon!"
Nagulat ako sa sinabi nito at di ko siya maintindihan bakit niya yun sinasabi ngayon.
"What are you talking about? Girlfriend mo si Misty before the wedding hindi ba? Ngayong may karapatan na kayo gawin lahat ng ginagawa ng mag asawa ay tumatanggi ka na?" Sabi ni Mama Carla na napatayo na sa kinauupuan nito.
"Mom! Hindi ko mahal si Misty!" Tumingin ako rito na galit na galit na nakatingin sa kaniyang mama.
Hindi pala niya talaga ako mahal. Totoo pala ang sinabi ni Waren na hindi totoo ang sinasabi nito sa akin. Pero bakit niya ako niligawan noon? Sabi niya gusto niya ako. Ano ba talaga totoo? Parang kumikirot ngayon ang dibdib ko sa sobrang sakit ng sinabi nito.
Umalis ito at nagtungo na sa kaniyang kwarto. Mabilis naman ako tumayo para sundan ito bago makapasok sa pinto ng kwarto nito.
"Sandali lang Carlo" Sabi ko rito mabilis itong tumingin sa akin.
"What?" Naiinis na nilingon ako nito.
"Sabi mo noon gusto mo ako kaya mo ako niligawan diba?" Tanong ko rito.
"Di mo ba na gegets?" Sabi nito at lumapit pa bahagya sa akin. "Hindi kita gusto! Sinira ko lang ang buhay mo! At ito ang karma ko ngayon! Ang mag dusa sa marriage natin dalawa!" Sabi nito at pumasok sa kwarto niya. Halos mapaluha na ako sa sinabi nito sa akin na sobrang sakit talaga at tumutusok sa aking dibdib.
Pero kahit ganun ay hindi ako naniniwala na hindi niya ako gusto or minahal dahil ilang beses ko narin ito naramdaman sa kaniya. Pakiramdam ko ay mahal niya rin ako pero ayaw niya lang ito aminin sa akin.
Pero kung hindi talaga ay gagawin ko ang lahat para matutunan niya ako mahalin.