3 Years Ago
Nakatapos na sa pag aaral si Carlo at naging CEO na ng kanilang Family Business at nag retire na si Mama Carla bilang CEO ng kumpanya nila. Nag decide si Ma'am Carla na samahan ako sa bahay at isa pa ay marami din pala siya Solo Business na minamanage bukod sa Family Business nila. Talaga palang sobrang sipag ni mama kaya ganun parin siya panay alis at inaasikaso ang iba pang business niya. Pero mas madalas ko naman na siya nakakasama kesa noon kaya masaya parin ako at hindi boring ang buhay ko bilang isang Mrs. Villagracia.
Habang ako naman ay hindi na nakatapos ng pag aaral dahil narin sa mga issue sakin. Ang sabi ni Ma'am Carla ay palipasin ko muna ng ilang taon tutal ay bata pa naman daw ako. At isa pa ay mas gusto ko paglingkuran si Carlo bilang asawa kaya hindi na mahalaga sakin ang mag aral pa.
Naging masaya naman ang buhay ko kahit na hindi maganda ang pakikitungo sakin ni Carlo. Lagi itong busy sa business nila at minsan pa ay hindi ito umuuwi. Mainit man ang ulo nito lagi sakin ay iniisip ko nalang na pagod ito.
Nagtutupi ako sa kwarto ni Carlo ng damit matapos itong matuyo sa sampayan. Inaamoy amoy ko pa ito dahil dito ko lang parang nayayakap si Carlo. Noon pa man ako na ang naglalaba ng damit niya at lagi ko itong inaamoy. Hindi rin kasi kami nagsasama sa iisang kwarto dahil doon parin niya ako pinapatulog sa kwarto ko at alam ni Ma'am Carla iyon at wala na siya nagawa pa tungkol doon kahit ilang beses na sila nag talo ni Carlo about doon.
Pagkatapos ko tupiin ang mga damit ni Carlo ay nilinis ko naman ang kwarto niya.
Habang niwawalis ko ang ilalim ng kama ni Carlo ay nakita ko pa ang isang condom sa ilalim ng kama na lumabas matapos ko itong walinis. Dinampot ko ito at nagtaka kung bakit meron siya nito.
"Kanino niya kaya ito ginagamit?" Halos masaktan ako na isipin na meron siyang ibang sinisiping kahit na alam ko naman na posible iyon dahil hindi naman namin yun ginagawa. At ang last na ginawa namin yon ay yung araw din na una ko yun naranasan sa kaniya.
Biglang nagbukas ang pinto at niluwa nun si Carlo na naka Black Suit galing ito sa trabaho. Walang reaksyon ito nakatitig sakin, ngunit labis nanlaki ang mata nito ng makita ang hawak ko na condom na nakabalot pa. Nagmadali itong kunin iyon sa akin. "What are doin?" Sabi nito sabay agaw ng condom niya sa akin. "B-bakit ka ba nangingielam sa kwarto ko ha?" Galit na sabi nito at pinasok ang condom sa drawer niya. "Ah kase nililinis ko ang kwarto mo" Sabi ko rito.
"Umalis ka na nga! Halos araw araw ka naglilinis sa kwarto ko! Di ka ba nagsasawa?!" Mataas ang boses nito kaya umalis na ako. Tulad ng dati ay lagi nalang ako nito sinisigawan. Pero sanay na ako sa kaniya 3 years narin kami ganito at sanay na sanay na ako sa pakikitungo niya.
Tumungo na ako sa kusina para ipagluto si Carlo ng pagkain dahil tuwing darating lang ito saka ako naghahanda dahil hindi parepareho ang uwi nito. Minsan ay Gabing gabi na, pero ngayon ay 5:00 pm siya dumating at mukhang wala siya dinaanan. Pagkatapos ko magluto ay bumalik na ako sa kwarto ni Carlo.
Kinatok ko ito "Carlo? Kain kana" Sabi ko rito kahit sarado pa ang pinto diniin ko naman ang tenga ko sa pinto para marinig ang sasabihin nito. Pero nagulat ako nang bumuka ang pinto at muntik na sumama ang katawan ko dahil nakasandal ako doon.
"Ano ginagawa mo?" Sabi nito tapos ay inayos ko ang sarili ko at tumayo ng matuwid.
"S-sorry" Nakangiti ako rito pero nakasimangot parin ito. Sungit talaga.
"Nakahanda na ba ang pagkain?" Tanong nito at tumango tango pa ako na nakangiti.
"Oo Carlo kain kana" Masayang sabi ko. Ito yung gusto ko kay Carlo hindi nito tinatanggihan ang pagkain na hinahain ko sa kaniya.
Kumain ito matapos makarating sa dinning area. Inihanda ko naman ang inuming tubig nito habang pinagmamasdan siya kumakain. Naka titig lang ako dito dahil sobrang gwapo nito at lalo pa gumagwapo habang tumatagal.
Bigla nagawi ang tingin nito sa akin. "Baka matunaw ako nyan ah" Sabi nito. Agad ko naman binaling ang tingin ko sa ibang bagay at nagulat pa ako ng agawin nito ang baso na nilagyan ko ng tubig at ininom niya ito.
"Thanks" Sabi nito at nilapag sa lamesa ang baso na wala na tubig at saka tumayo at umalis na.
Naiwan ako tulala at nakangiti sa sinabi ni Carlo na simpleng Thanks. Marinig ko lang ang boses niya na mabait at hindi sumisigaw ay masaya na ako.
Pagkatapos ko ligpitin ang mga pinagkainan ni Carlo ay agad ko naman niligpit ang sapatos na naiwan nito sa sala.
"Carlo talaga, di parin nagbabago" Nakangiti ko sabi. Naalala ko pa Elemetary at High School at ganito na ito iniiwan lang na nakakalat ang sapatos nito sa sala at madalas pa ito pagalitan dahil dito. Kaya simula noon ay ako na ang nagliligpit ng sapatos niya para hindi na pagalitan pa ng kaniyang mommy.
Late night na ng umuwi si Mama Carla, pinakain ko ito ng niluto ko tapos ay natulog na kami sa kanya kanyang kwarto.
----
Umaga na ng marinig ko ang alarm clock ko. 5:00 am ako tumayo para mag luto ng almusal ni Carlo at Mama Carla. Wala kasi kami katulong. Dahil hiniling ko kay Mama na ako nalang ang gagawa ng mga gawaing bahay. Kaya naman pinatigil nito sila manang at isa pa katulong dito sa bahay na naglalaba tuwing linggo.
Ginising ko na si Carlo at inihanda na lahat ng susuotin niya 7:00am narin kase tapos narin ako magluto ng almusal.
Nakahiga ito sa kama at hindi parin magising. "Carlo" Tawag ko dito. Nakatitig lang ako sa kaniya habang natutulog siya. Naalala ko pa yung araw na una nagdampi ang labi namin noon nung ginigising ko siya.
Di ako nakapagpigil na titigan lang ang malambot at mapulang labi nito kaya naman hinalikan ko ito sa labi. Mabilis lamang ang ginawa ko baka magising kasi ito.
Kinikilig pa ako sa ginawa ko rito. "I miss you so much Carlo" Bulong na sabi ko rito. "I love you!" Sabi ko pa na nakangiti. Umaapaw ang ngiti ko rito at gusto ko na talaga gawin ito araw araw para naman maging maganda lagi ang araw ko.
Sinuklay ko ang buhok nito gamit ang kamay ko at tinitigan lang ito matapos ko siyang halikan. "Carlo" Muli ko itong tinawag nakaupo lamang ako sa space ng kama nito. "Carlo?" Ginigising ko na ito dahil baka malate pa ito sa trabaho.
Maya maya rin ay nimulat nito ang mata niya. "T-teka?" Sabi nito Dali dali itong bumangon. "What time is it?" Tanong nito at kinakapa ang relo na natatabunan ng kumot. Nakasando lamang ito at bumabakat ang makisig nitong katawan. Lagi itong nag pupunta sa Gym kaya ganito na ang improvement ng katawan nito. Halos mag laway ako sa hubog ng katawan nito habang hinahanap ang relo niya sa kama niya. "Shocks 7:20 na pala!" Sabi nito matapos makita ang relo at tumingin ito ng masama sa akin. "Bakit di mo ako agad ginising?" Galit na sabi nito.
Napakurap kurap nalamang ako sa sinabi nito. Medyo matagal ko narin kase siya tinitigan bago gisingin ng tuluyan.
"Ahm sorry Carlo kanina pa kita ginigising eh" Sabi ko naman dito. Sumimangot lang ito sa akin at tumayo sa kama at dumiretso sa banyo para maligo siguro.
"Inihanda ko na ang damit mo ha, bumaba ka agad para makakain na" Sabi ko at bumaba na para linisin ang sasakyan ni Carlo na ginagamit niya para pumunta sa opisina.
Ilang minuto ko rin itong nilinis. Nakita ko lumabas na si Carlo sa main door ng bahay.
Dali dali itong lumapit sa akin. Nakabihis na ito ng pang opisina ako naman ay humahanga na naman sa suot at ka gwapuhan nito.
"Are you done cleaning up my car?" Tanong nito.
Hawak ko naman ang basahan na ginagamit ko pamunas ng kotse nito.
"Oo Carlo kakatapos ko lang" sabi ko sabay ngiti dito.
"Good" matipid na sabi nito. Inaayos nito tupiin ang suot na long sleeve sa kaniyang kamay dali dali ko naman binitawan ang basahan tapos ay pinunasan ang kamay ko pagkatapos ay tinulungan ko itong tupiin ang longsleeve na kanina pa niya ginagawa.
Natigilan ito ng kusa ko na siya tulungan para matupi ito sa gusto niyang ayos. Tumingin pa ako sa kaniya at ngumiti tapos ay nakita ko di pantay ang neck tie nito kaya inayos ko narin iyon. Diko namalayan na nakatingin na pala ito sa akin matapos ko mapantay ang tie niya.
Ilang segundo rin nagtama ang aming mga tingin tila ba na mamagnet na naman ako sa kaniya kaya sobrang hirap malihis ng tingin ko rito.
"Okay na ba neck tie ko? Pwede mo na ba bitawan?" Sabi nito na nakatitig parin sa akin. Dali dali ko naman binitawan ito at dumistansya kaunti sa kaniya.
"Malalate na ako" sabi nito at binuksan ang pinto ng kotse nito.
"Ah Carlo kumain kana ba?" Mabilis ko tanong dito.
"Oo tapos na" sabi nito.
"Masarap ba yung luto ko?" Masayang tanong ko rito.
Hindi pa ito tuluyang pumapasok sa sasakyan ng sulyapan ako nito.
"Bakit? Eh pare pareho lang naman lasa ng luto mo?!" Masungit na sagot nito sa akin.
Sumakay na ito sa kotse niya at inistart ang sasakyan. Nakabukas naman ang bintana ng kotse nito.
Mabilis ko binuksan ang gate ng bahay para makalabas ito.
Pagkalabas niya ay agad ako lumapit sa naka bukas na bintana ng kotse niya para tignan siya at magpaalam.
"Carlo mag iingat ka sa pag drive ah. Kumain ka mamaya lunch" sabi ko rito hindi naman ito tumingin sakin.
"I love Carlo" masayang sabi ko rito bago tuluyang isara ng tinted glass ng bintana ng kotse nito.
Lagi ko ito ginagawa araw araw sa kaniya para malaman niya na mahal na mahal ko siya kahit ilang taon na niya ako sinusungitan.
Hindi ito umiimik tuwing sinasabi ko ang salitang mahal ko siya or I love you. Sumisimangot lang ito palagi sa akin. Minsan nga ay ninanakawan ko ito ng halik sa pisngi bago ito umalis nagugulat lang siya pero hindi siya umiimik at tinatalikuran lang ako.
Ganun pa man ay kuntento ako kung ano meron kami ngayon. Mahal ko siya at masaya ako sa kaniya.