Lunch time saktong 12:00pm ko sinend ang text message ko kay Carlo na lagi ko talaga ginagawa simula ng ikasal kami. Wala ako palya sa pag text dito.
Text Message: Hi Carlo, Lunch time na kumain kana wag ka papagutom. I love you! Muahh ❤️
Yun ang lagi mensahe sinasabi ko sa kaniya. At never pa ito nagreply.
Pag dating nito galing opisina ay agad ko naman itong tinulungan sa pag hubad ng sapatos niya.
"Carlo, kamusta ang trabaho mo?" Masayang tanong ko matapos mahubad ang pair ng sapatos nito at nilagay ko iyon sa lagayan.
"Ano ba paki elam mo?" Pagbabara nito sa akin. Pero hindi naman na ako tinatablan ng kasungitan nito dahil sanay na ako.
"Ang aga mo lagi umuuwi ah" sabi ko rito.
"Busy kase si Cindy" sabi nito. Natigilan naman ako sa sinabi nito.
"Si C-cindy?" Nauutal ko pa sabi nawala ang ngiti sa mga labi ko ng mabanggit niya si Cindy.
"She's my 3 years girlfriend now" sabi nito sa akin.
Naguguluhan naman ako sa sinabi nito.
" A-ano sabi mo?" Muli ko tanong tila ba nabibingi ako.
"Si Cindy ay girlfriend ko at 3 years na kami simula ng ikasal tayo! Kaya tigilan mo na ang mga mahaharot mong gawain sakin!" Sabi nito at aalis na sana pero pinigilan ko ito ng hawakan ko siya sa braso niya.
"P-pero kasal na tayo Carlo? Hindi ka na dapat nakikipag relasyon sa iba diba?" Sabi ko rito at tumingin ito sa akin tapos ay binitawan ko ang braso nito.
"Gusto ko na ng annulment Misty! Tama na siguro ang 3 years na pagbabayad ko ng utang sayo dahil sa mga naging kasalanan ko!" Nabigla ako sa sinabi nito sa akin. Kusa na bumagsak ang luha sa mga mata ko.
"Ipapakilala ko na si Cindy kay mom as my girlfriend at dito ko na sya papatirahin sa bahay!"
"Carlo bakit?" Halos wala na lakas na tanong ko rito.
"Anong bakit? Akala ko matalino ka? Baka nakakalimutan mo napilitan lang ako ikasal sayo dahil sa nanyari insidente sa buhay mo! At siguro naman after 3 years ay nakalimutan na ng lahat ang pangalan mo! Kaya pwede ka na ulit magsimula ng bagong buhay!"
"Pero Carlo, ikaw ang buhay ko! Hindi ko kaya mawala ka sakin" halos basag na ang boses ko sa mga narinig ko mula kay Carlo.
"Ayoko makipag hiwalay!" Pagmamakaawa ko pa rito.
"Sino makikipag hiwalay?!" Parehas kami napalingon ni Carlo sa mama niya.
Tumingin si Mama Carla sa akin at mabilis din binaling ang mata kay Carlo.
"Carlo ano na naman ba to? Bakit mo pinapaiyak si Misty?" Mausisang tanong nito.
"Mom! I was telling the truth!" Sabi nito at bumuntong hininga.
"What truth?"
"I want to annul our marriage!"
Sabi nito.
Nagulat naman si Mama sa sinabi nito.
"What?!" Halos pasigaw nito reaksyon kay Carlo. "You want Annulment? But Why?" Gulat na tanong nito sa anak niya.
"Pinakasalan ko lang siya mom dahil sainyo! Ang mahal ko ay si Cindy! Siya lang ang gusto ko maging asawa at hindi ang babaeng pinipilit nyo sa akin!" Sabi nito ng wala man lang bahid ng pang aalinlangan.
"Carlo! Baka nakakalimutan mo lahat ng sakripisyong ginawa ni Misty para sayo! Kahit pinapakita mo sa kaniya na malamig ka sa kniya ay nariyan parin siya para sa Marriage ninyo dalawa! Tapos ikaw iiwan mo pa siya dahil sa babaeng yan?"
"Hindi nyo mapipilit sakin ang taong kahit kelan ay hindi ko talaga gusto! Look at her! She's not the woman that I want to introduce to all of the wealthy people behind me! She's looks like a cheap woman!" Sabi nito na labis kong ikinagulat.
"But Carlo! Kung hindi dahil sayo ay maganda na sana ang katayuan ni Misty sa buhay! Hindi siya nakatapos dahil sayo! At nawala ang career niya dahil rin sayo! How you can say that in front of her?!"
"Ah basta! Gusto ko lang talaga sabihin lahat ng opinyon at nararamdaman ko! And the truth is I don't want to live with her anymore! I want Cindy and she's the only woman that I want to marry and be my wife forever!" Sabi nito at pumunta na sa kwarto nito.
Naiwan lamang ako tulala sa kinatatayuan ko.
"Misty, I am so sorry for what happen" Sabi ni Mama sa akin at niyakap ako nito. Muli na naman bumagsak ang luha sa aking mga mata.
"Mama, wag po kayo mag alala.. Baka hindi naman po totoo ang sinabi ni Carlo na hihiwalayan niya ako baka mainit lang ho ang ulo niya" Mahinahon ko pa sabi rito ngunit deep inside ay sobrang nasasaktan na ako sa mga tinapon nitong mga salita.
Akala ko sa kabila ng lahat ng ginawa ko pag titiis ay matutunan niya rin ako mahalin. Akala ko ay advantage ko na yung araw na kinalat nya ang video namin at napatawad ko siya doon. Akala ko ay mahuhulog na ito sa akin dahil nagawa ko parin siyang mahalin sa kabila ng ginawa niya sa akin. Pero ang tingin lamang niya ay nagbabayad lamang siya ng kasalanan sa panandaliang kasal namin.
Akala ba niya ay preso ang kasal namin kaya ngayon ay gusto na niya lumaya?
Sobrang nasasaktan ako sa mga naiisip ko pero kailangan ko lamang mag tiis para sa hinihiling ko at pinapanalangin sa Diyos na matutunan rin niya ako mahalin. Hindi pa ganun katagal kami nag sasama para mag reklamo ako sa hiling ko na mamahalin niya rin ako balang araw. Baka sa mga susunod pa taon ay handa narin si Carlo na tanggapin kung ano ang meron sa amin ngayon.
Nasa kwarto na ako at nag iisip. Gabi na rin at hindi ako makatulog sa nanyari kanina.
Lumabas ako sa kwarto ko para silipin si Carlo sa kwarto niya. Hindi ako makatulog dahil nagaalala ako sa kaniya at gusto ko siyang kausapin. Gusto ko humingi ng tawad dahil sakin ay nagtalo na naman sila ng mama niya.
Nakarating na ako sa kaniyang silid ng may marinig ako ungol ng isang babae sa loob ng kwarto nito. Halos kilabutan ako sa narinig ko at naulit pa ito. "Carlo" Sabi pa ng babae na parang sarap na sarap ang pakiramdam pinakinggan ko lamang ito kahit sobrang nabibingi na ako sa naririnig ko kinakabahan ako na di ko alam kung papasok ba ako sa loob para icheck kung sino ang babae na yun. Alam ko hindi naman din ako tanga para icheck kung ano ginagawa nila alam ko kung ano ginagawa nilang dalawa sa loob.
Kinakabahan pa ako ng buksan ko ang pinto hindi ito naka lock kaya dahan dahan ko ito binuksan at tinignan kung sino ang babae na kasama ni Carlo doon.
Nakita ko si Carlo na nasa ibabaw ng babae na kasiping niya halos maluha luha na ako ng makita ko palamang si Carlo na merong ibang babae. At nang tumingin ako sa babae ay kitang kita ko kung sino ito.
"Fck!" Gulat na sabi ni Carlo ng makita nya ako.
"What are you doing here Misty?" Sigaw nito. Nakaibabaw parin ito sa babae na nakatingin narin sa akin.
"Get out of here! Baka magising pa si Mom!" Pinipigilan nito lakasan ang boses niya.
So yung mommy niya lang pala ang iniisip niya? At di niya manlang naisip na nasasaktan ako sa ginagawa niya.
Pagkasabi ni Carlo nun ay sinara ko ang pinto at umalis na. Umiiyak ako na pumunta sa kwarto ko sana ay hindi ko nalang siya chineck para hindi ako nasasaktan ngayon. Masakit lalo na ng makita ko na si Cindy ang babaeng kasiping niya.