Carlo's Mistress

1414 Words
Misty POV Maaga parin ako nagising at pakiramdam ko ay namamaga ang mga mata ko kakaiyak kagabi. Pumunta ako sa Kusina para magluto na ng almusal. Huminga ako ng malalim bago lituin ang mga hinanda ko pagkain para kay Carlo. "Okay lang yan Misty, malay mo naman maghiwalay din sila" sabi ko sa sarili ko tapos ay hiniwa ko na ang mga sangkap ng lulutuin ko. Matapos ko mag luto ay pupuntahan ko na sana ang kwarto ni Carlo pero hindi ako matuloy dahil naalala ko pala naroon si Cindy. Tiningala ko lamang ang kwarto ni Carlo na natatanaw naman kahit nasa hagdan lang ako. "Wala na ba kayong kahihiyan? Carlo hindi mo manlang ba nirespeto si Misty sa ginawa mo?" Narinig ko sabi ni Mama banda ito sa sala. Dahan dahan ako pumunta sa sala namin at nakita ko nga naroon si Carlo at Cindy kausap si mama. "Bakit mom? Ako ba nirespeto nyo noong sinabi ko sainyo ayaw ko syang pakasalan? Diba pinilit nyo lang ako? Anak nyo ako! At hindi si Misty ang anak nyo! Kundi ako! Respetuhin nyo rin sana ang ikakasaya ng anak nyo at hindi ikakasaya ng iba!" Matapang na sabi nito. "Pwes magsama kayo dalawa kung gusto nyo! Sirain mo ang reputasyon na iningatan ng Daddy mo mula pa sa Lolo mo! Ipangalandakan mo sa buong mundo na meron kang kabit!" Sabi ni Mama Carla na kitang kita ang galit sa anak. "At ikaw babae ka? Gusto mo ba talaga sirain ang pamilya namin ha? Kaya wala ka kahihiyan na pumunta dito? Ang kapal ng mukha mo matulog sa kwarto ng anak ko na may asawa! Hindi nga ako nagkamali na isa kang babae na walang moralidad!" Sabi nito. "Mom stop it!" Awat ni Carlo. Nakita ko maluha luha naman si Cindy kitang kita ang takot sa mukha nito. "Pinagtatanggol mo pa" mataray na sabi ni mama carla. Napalingon naman ito sa gawi ko. Kita ko na nalungkot ito nakita ako. Alam ko nag aalala na naman ito sa magiging reaksyon ko pero hindi nito alam ay kagabi palang ay nakita ko na sila at nahuli ko pa sa akto. "M-misty?" Tawag nito sa akin lumapit naman ako. Pareho naka tingin sa akin ang dalawa. " Ahh mama kumain na muna kayo" Pagbabago ko ng usapan "Hinanda ko na ang pagkain nyo tatlo" sabi ko sa mga ito. "What?! Alam mo kasama ni Carlo ang babae na to?" Nagtataka tanong nito. Matipid ako ngumiti rito at tumango tango. "Opo mama nakita ko sila magkasama sa kwarto ni Carlo" malumanay na sabi ko lamang. Nakita ko natulala lamang si Mama sa aking sinabi at binabasa nito ang sinasabi ng mga mata ko. "Tara na po baka lumamig ang pagkain" sabi ko na pilit ngumingiti sa mga ito. Nauna na ako pumunta sa dinning table at hindi ko alam kung gano pa sila katagal nakatayo bago sumunod sa akin. Sabay sabay na kami kumain ng almusal napansin ko parang sobrang nahihiya si Cindy kaya hindi ito makatingin at parang sobrang lungkot at stress nito kahit na sya ang pinili ng taong pinakamamahal ko. "The food is good Misty" Sabi ni Mama sa akin at ngumiti. "Yung isa kayang babae dyan ay marunong magluto ng ganito kasasarap na pagkain?" Dugtong pa nito na wari'y may pinaparinggan. Huminga ako ng malalim dahil sa tensyon na nararamdaman ko kay Mama at kay Cindy na pinariringgan niya. "Well I guest, she's not" Sabi pa nito at inikot ang mga mata matapos isubo ang pagkain.  Ngayon ko lamang nakitang nagtaray si Mama Carla dahil sobrang bait nito sa akin. "Well hindi naman kase anak ng mahirap ang Girlfriend ko, hindi kagaya ng isa dyan gawaing bahay lang ang talento" Pagtatanggol naman ni Carlo dito.  Bigla nalang kumirot ang kung ano sa dibdib ko dahil sa sinabi nito. Ibinagsak pa ni Carlo ang Kutsara sa table at saka hinila si Cindy patayo. "Let's go Cindy! Nawalan na ako ng gana" Sabi pa nito at tuluyan na nga sila umalis ni Cindy. "Matagal na talaga ako na bubwiset sa babae na yun" Sabi pa ni Mama tapos ay tumingin sa akin. "Don't worry Hija, I will do everything para maghiwalay sila ni Carlo" Sabi nito sa akin. Mabilis ako umakyat sa kwarto ni Carlo para ilabas ang damit niya. Hindi pa kase ito naka pang opisina kaya naman hinanda ko agad ang susuotin niya. Pag baba ko ay nasalubong ko pa si Carlo sa hagdan nagulat pa ito ng makita ako. Pero nagpatuloy lang itong umakyat at iniwasan ako. "Carlo" tawag ko rito at lumingon naman ito. "Bakit?" Galit na sabi nito. "Hinanda ko na ang susuotin mo" sabi ko at nagsalubong naman ang kilay nito. "Misty! Pwede ba? Tigilan mo na nga yang mga ginagawa mo! Kahit ano gawin mo hindi ako maiinlove sayo! Kaya palayain mo na ako!" Bulyaw na sabi nito at nagmadali na itong pumunta sa kwarto niya. CARLO POV Nag madali na ako umalis pa sa bahay kasama ko si Cindy sa front seat ng kotse ko at ihahatid ko na siya sa trabaho niya bago ako dumiretso sa opisina. Pinagbuksan pa ako ni Misty ng gate para makalabas ang sasakyan ko. Naiinis talaga ako sa kaniya dahil pakiramdam ko kagaya parin siya noon na nagpapakitang gilas para makuha ang loob ng iba. Pero di na yan uubra sakin. Tuloy tuloy lang ako nag drive pansin ko Hindi umiimik si Cindy sa akin malamang ay galit ito sa akin dahil sa pagpilit ko na sumama siya sa akin sa bahay. "Sorry babe" sabi ko rito at pasulyap sulyap ako rito habang nag dadrive. "Hindi kaba naawa kay Misty?" Paninimula nito ng di tumitingin sa akin at sa window lang ito nakatingin. "Bakit naawa kaba sa kaniya dati?" Tinapunan niya ako ng masamang tingin. "Ayan ba lagi mo isusumbat sa akin?" "Eh bakit kaba naawa sa kaniya? Saka pwede ba na wag natin sya pag usapan!" Galit na sabi ko rito. Hindi na ito umimik pa kaya hinayaan ko nalang siya na manahimik. Ganito ang relasyon namin ni Cindy lagi kami nag aaway at pakiramdam ko kahit 3 years na kami ay napipilitan parin siya sakin. Lagi ito tumatanggi na lumabas kasama ako at lagi nya sinasabi na pagod siya sa trabaho. At madalas ay pumupunta nalang ako sa bar kasama ni Marco na kaibigan ko nung high school, manager na ito sa company ko. Madalas din ako mambabae at wala naman din pakielam sakin si Cindy. Siguro ay hindi nya talaga kayang ibigay ang pagmamahal na hinihiling ko. Pero siya parin ang gusto ko pakasalan at hindi si Misty. Ayoko habang buhay ako magiging loser. Naalala ko pa nung high school ay nakipag pustahan sakin si Marco noon na magkakagusto ako kay Misty. FLASHBACK Kasama ko ang mga tropa ko at isa na si Marco. After JS from kase at Waltz ay madalas na talaga si Misty ang tinitignan ko at napansin ito ni Marco. "Mukhang may gusto na ang Boss sa yaya ah?" Malakas na parinig ni Marco. Narinig ng buong tropa iyon kaya naman nag hiyawan sila at kuha agad ang sinabi ni Marco. "Ayiee" sabay sabay na hiyaw nila. "Sino ba naman kase hindi magkakagusto sa top 2 natin na yaya ni Carlo eh ang ganda ganda nyan!" Sabi pa ni franz na nakatingin kay Misty na nasa malayo. "Hindi ako loser para magkagusto sa babae na yan!" Sabi ko para tumigil na sila. "Sige pustahan tayo ah kakainin mo yang sinabi mo!" Sabi ni Marco. "May isang salita ako noh! Si Cindy ang mapapangasawa ko at hindi ang hampaslupa nayan!" Sabi ko sa mga ito. END OF FLASHBACK I guest isa yun sa dahilan kaya ayoko talaga magkagusto sa kaniya. Dahil ayoko kainin ang mga sinasabi ko. Saktong 12:00 pm ay tumutunog ang phone ko at alam ko na lunch time na pag tumunog ito. Halos present lagi si Misty sa pag text sakin ng mga walang kwentang message nito. Hindi ko yun inoopen at nagsasawa na ako basahin pa. Puro lang naman yun kumain kana Carlo I love you. Sobrang baduy pakiramdam ko naiwan sa pagka high school ang utak ni Misty. Kaya lumalabas na ako sa office ko para sunduin si Marco sa office niya. "Wow as usual lagi ka nauuna pumunta dito para yayain ako mag lunch" sabi nito. Syempre naman dahil alarm clock ko na ata ang pag text ni Misty every lunch. "Bilisan mo na ang dami mo satsat!" Sabi ko rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD