CINDY POV
Nasa studio ako at kasama si Waren sa shoot.
"Waren ipulupot mo ang kamay mo sa bewang ni Cindy. Tapos ikaw Cindy iangat mo yung product na hawak ng kanang kamay mo at ikaw Waren yung kaliwang kamay mo pababa kunti para opposite ang dating ng hawak nyo sa product." Sabi ng photographer sa amin.
Ginawa naman ni Waren ang utos nito at dumampi ang kamay nito sa bewang ko galing sa likod ko. Nakakaramdam ako ng kuryente ng maramdaman ko ang kamay nito.
Lagi naman kami magkasama sa mga product shoot at fashion show event pero ito palang kasi ang una na kailangan namin magkadikit.
"Okay! Waren bitawan mo na yung hawak mo then hawakan nyo pareho ni Cindy yung product na hawak nya dapat magkaharapan kayo" Sabi nito matapos kami kuhanan sa unang posing namin.
Sinunod naman namin ang sinabi nito. Maya-maya pa ay umibabaw ang kamay ni Waren sa kamay ko na naka hawak sa produkto.
Sobrang bilis ng t***k ng puso ko ngayon naramdaman ko pa ang malalim na pag hinga nito. Hindi ako makatingin sa kaniya sa halip sa produkto ako nakatingin at di ko alam kung sakin rin ba siya nakatingin.
"Cindy, Tumingin ka rin kay Waren hindi pwedeng sya lang nakatitig sayo" Sabi ng photographer medyo masungit talaga ito mag salita dahil hindi lang sya photographer isa rin siyang concept director.
"Okay, I'm sorry" Sabi ko na medyo naiilang na tumingin sa photographer at saka ako tumingin kay Waren na nakatitig pala sa akin. Kitang kita ko ang masamang tingin nito tulad ng dati ay ganoon parin siya tumingin sa akin. Sa tuwing nagkikita kami tanging madidilim na mga mata nito ang nakikita ko. Hindi na siya yung dating Waren na maamo ang mukha at ibang iba na ito.
Napakagat ako sa ibabang bahagi ng labi ko ng magtama ang aming mga tingin. Sinubukan ko na lamang siya tignan at ngumiti ng pilit para makita ng Photographer na sumunod siya sa instruction nito.
Nakita niya ang kunting ngiti sa labi ni Waren kasabay ng pag flash ng Camera sa kanila.
"Good Job to both of you" Sabi ng Photographer at mabilis na binitawan ni Waren ang kamay ko matapos sabihin ng Photographer iyon.
Kinuha pa nito ang nakasabit na Jacket sa wheel chair at mabilis na umalis. Hindi ito nagsalita nagulat pa ang photographer sa biglang pag alis nito. "Mukhang badtrip si Waren ah" Sabi nito matapos tumingin sa akin.
"Ah-- Ako rin po aalis na sir" Paalam na sabi ko rito at tumango ito bilang pag sang ayon.
"Thank you sir" Sabi ko at nagmadaling lumabas.
Sinundan ko pa ng mabilis si Waren at pasakay ito ng Elevator. Mabilis ko naman hinabol ang pagsara ng elevator nagulat pa si Waren ng makita ako pero kumunot lamang ang noo nito.
Pababa na sa ground floor ang elevator at wala imikan na nanyari samin ni Waren. Medyo na dismaya lamang ako na di manlang nya ako kinausap. Hanggang ngayon kasi ay siya parin ang mahal ko.
Pag bukas ng elevator ay nauna lumabas si Waren at sumunod naman ako sa paglabas hanggang sa di ko na natanaw ang likod nito na lumabas ng building. Bumuntong hininga naman ako sobrang lungkot ng buhay ko at di ko alam kung meron na bang ibang mahal si Waren or kung may girlfriend na ba siya. Nakakapraning ang mga nasa isip ko habang siya ay baka tuluyan na ako nakalimutan after ng break up namin.
At nang kinasal na si Misty ay di na ito muli pa nakipag usap rito. Mabilis nito natanggap ang kasalan ni Carlo at Misty habang ako ay napipilitan na maging isang dakilang kabit lamang ni Carlo. Gusto gusto ko na talagang iwan si Carlo pero hindi ko alam kung paano.
Napipilitan nalang ako sa relasyon na pinipilit pa niya mag work kahit na pinaparamdam ko na sa kaniya nang lalamig na ako. At hindi ko alam kung nararamdaman ba niya or sinasadya niya lang na maging manhid. Sa tuwing may nang yayari sa amin ay si Waren ang nasa isip ko at siya talaga ang iniisip ko dahil pakiramdam ko ay di ako komportable kung iisipin ko si Carlo talaga ang kasiping ko.
Sobrang guilty ako lalo na kay Misty na nahihirapan sa nangyari. Namatay ang tatay niya dahil sa scandal video na ako ang may gawa pagkatapos ay nasaktan pa siya ngayon dahil nalaman na nito na girlfriend ako ni Carlo. Hindi biro ang ginagawang effort ni Misty para kay Carlo na maging isang mabuting asawa at pagsilbihan si Carlo kahit na marami itong pagkukulang sa kaniya. Bakit ba hindi nalang tanggapin ni Carlo si Misty bilang asawa niya?
Habang nasa labby ako ng building nakaupo at nag iisip at nagmumuni muni. Napabuntong hininga ako. Bahagya pa ako nagulat sa pagtunog ng cellphone ko sa aking bag.
Mabilis ko naman ito dinukot sa bag ko at isang unregister number ang lumabas na tumatawag. Tinapat ko ito sa tenga ko matapos pindutin ang answer button.
"Yes Hello?" Sabi ko at pinakinggan ang nasa kabilang linya.
"H-hello" Nauutal na sambit nito. Isa itong babae pero parang pamilyar sakin ang boses nito.
"Who's this?" Tanong ko rito at napakunot noo pa ako sa sobrnag ka kuryosidad.
"Si Misty ito, cindy" Mahinhin na pagpapakilala nito. Nagulat ako at napatayo sa kinauupuan sabi ko na nga ba kaya pala pamilyar ang mahinhin na boses nito.
"W-why are you calling me?" Halos kabadong sabi ko rito.
"Gusto ko sana mag usap tayong dalawa" Ma awtoridad na sabi nito.
"W-when?" I ask.
"Pwede kana ba ngayon?"
"Y-yes wala ako ginagawa" sabi ko rito.
------
Mabilis naman ako nag taxi para puntahan kung saan kami mag kikita ni Misty. Naupo ako sa table ng Coffee shop na tinext ni Misty sa akin.
Maya maya lang ay nakita ko na ang pagdating ni Misty, sinalubong ako ng magandang ngiti nito at naupo sa harapan ko.
"Yan ang coffee mo Misty, umorder na ako ng sinabi mo na malapit kana" Sabi ko rito ngiti lamang ang ginanti nito tapos ay kunuha ang mug at inamoy muna ito bago inumin. Nakatingin lamang ako rito base sa nakikita ko ay wala naman nagbago rito maganda parin at gaya ng dati ay mahihinhin parin ang kilos kaya siguro ito nagustuhan ni Waren dahil sa pag uugali at kilos nito.
Di ko napigilan tanungin na ito matapos ibaba ang kape niya sa mesa na walang ingay.
"So ano pala ang pag uusapan natin?" Tanong ko rito.
Tumingin naman ito sa akin ng matulin at tiniklop ang labi tapos ay yumuko ito bahagya at tumingin sa tasa ng kape niya.
"Gusto ko sana makiusap sayo" Paninimula nito. Inangat nito ang ulo at tumingin ng matuwid sa akin.
"At ano naman yun?" Kunot noo tanong ko rito.
"Gusto ko sana pakawalan mo na ang asawa ko, akin nalang siya Cindy" Sabi nito na may halong emosyon ang pagkakasabi nito. Nakaramdam naman ako ng matinding habag sa sinabi nito nung huli ko siya nakita ay panahong galit na galit ako sa kaniya dahil sa breakup namin ni Waren pero dahil rin sa ginawa kong paghihiganti ay nawala na ang galit at napalitan ng guilt at awa para kay Misty dahil sa mga nagawa ko.
"Masisira ang Career mo at ang reputasyon ni Carlo pag pinagpatuloy nyo ang relasyon niyo." Dugtong pa nito.
"Alam ko naman yun" Sagot ko rito.
"Kung ganon palayain mo na si Carlo, hayaan mo siya matutunan ako mahalin! Wag mo na kami sirain pa parang awa mo na!" Mabilis na lumuha ang mga mata nito at sobrang na konsensya na ang nararamdaman ko sa kabila ng lahat ng ginawa ko ay nagmamakaawa pa ito sa akin. Pakiramdam ko ay sobra sobra nang kasalanan ang nagagawa ko para sa kaniya.
I also feel the tears down in my eyes. "M-misty I'm sorry" Halos wala mailabas ang bibig ko sa pagkasabi ko nun dahil nauuna ang pag hikbi ko. After all ay bait parin ito at ni hindi niya nga ako sinugod para saktan dahil sa kapal ng mukha ko maging kabit ng asawa niya.
"Marami ako kasalanan sayo Misty, and I'm sorry! I don't know how you can forgive me but still, I want to say all the sins that I did to you three years ago and until now I feel guilty" Sabi ko rito, hinawakan ko ang dalawang kamay nito. Kunot noo itong nakatitig sa akin.
"What do you mean?" Mahinang pagsambit nito ngunit sapat naman para marinig ko iyon.
"Ako yung" Napahinto pa ako at napayuko nakita ko naman napasulyap si Misty sa mukha ko.
"Ako yung taong nagkalat ng video mo Misty" Halos di ako makatingin na inamin iyon kay Misty nanatili lamang ako nakayuko at hindi ko alam kung ano ba reaksyon ni Misty roon handa na ako magalit ito sa akin at saktan ako kung gusto niya. Bumitaw ito sa pagkakahawak ko sa kamay niya at doon ako tumingin sa kaniya na kitang kita ang pagkagulat.
"Ikaw talaga ang may gawa nun?" Tanong nito at kinumpirma ko iyon sa aking pagtango.
"H-hindi si carlo?" Naguguluhan na tanong nito. At muli ko na naman iyon kinumpirma.
"Yes Misty it's me" Sabi ko rito. "Ako rin ang nag utos sa kaniya na ligawan ka at dalhin ka sa hotel"
Ilang saglit lang ay nakita ko tumulo muli ang luha sa mga mata nito. "M-misty I'm sorry I know how worse I am that time! Pero nag sisisi ako Misty!"
"Bakit mo yun nagawa Cindy?" Kunot noo na tanong nito.
Bumuntong hininga pa ako bago ito sagutin at kumuha ng lakas na loob. "K-kase I'm jealous because I know Waren was inlove with you that time"
"A-ano? Dahil doon?" Nagulat ito. "Hindi totoo na ako ang gusto nya! Alam mo magkaibigan lang kami?"
"But I heard him! He was in a bar that time with his uncle and saying that he is in love with you"
"Pero Cindy! Mahal ka niya! At alam ko naramdaman ko kung gaano ka niya kamahal nung naghiwalay kayo! Nag iba yung ugali niya halos madilim ang mundo niya nung nakipag hiwalay siya sayo!"
"That's not true!" Di ko pag sang ayon rito.
"But Cindy--" Hindi ko ito pinatapos at pinutol ko ang sinabi nito. "Tama na Misty! Hindi na yun mahalaga! Mahal ka niya nung panahon na yun! At hindi lang yun! Naiinggit rin ako sayo! Kasi ikaw ang naging Top model nung araw na yun! Dahil doon kaya napuno na ako! At nagawa ko lahat ng mga ganung bagay!"
Saglit kami napahinto at nagkatitigan. Natuyo na pareho ang luha na hindi na nagawang punasan pa.
"Si Carlo" Sabi nito. "Bakit niya sinunod ang lahat ng plano mo laban sakin" Dugtong nito.
"I know how much you love Carlo, high school palang tayo I feel your inlove with him kaya ginamit ko yun paraan para makaganti sayo. Inutusan ko sya na ligawan ka at pilitin ka maging girlfriend and sobrang nakakabulag talaga ng pagmamahal mo sa kaniya kaya hindi mo napansin na niloloko ka lang ni Carlo" Paliwanag ko rito. Masakit man ang paliwanag ko ay wala ako magawa kundi sabihin iyon. Wala naman ibang term sa panloloko kundi yun lang.
"Tapos? Bakit sya sumunod sayo?" Nabigla ako sa tanong nito. Isa lang naman ang sagot at alam ko masasaktan siya sa sagot ko pero wala ako magagawa.
"Because he's inlove with me" Sabi ko rito kitang kita ko naman ang bakas na lungkot sa mukha nito.
"I used his feeling para mapasunod ko siya, nangako ako sa kaniya na magiging kami pag ginawa nya lahat ng utos ko at willing na ako mag move on kay Waren kapag naging kami na at nakaganti ako sa inyo dalawa ni Waren"
Pinunasan nito ng dala niyang panyo ang mga luha na dumampi sa pisngi.
"Pero Cindy mahal mo ba si Carlo? Minahal mo na ba siya?" Nagulat ako sa tanong nito. Kahit kelan ay hindi nabago ang pagtingin ko kay Carlo matalik na kaibigan at kapatid lang ang turing ko rito kaya sa twing magkasama at magkayakap kami ay iniisip ko nalamang si Waren ang kasama ko.
Umiling iling lamang ako. "H-hindi ko siya minahal" Tapos ay malalim ako huminga ng masabi ko ito. "Makikipag hiwalay ako sa kaniya. Please Misty you don't need to please me. Itatama ko ang mga pagkakamali ko sayo! Kung yun lang ang paraan para makabawi ako sayo then I will do that ibibigay ko sayo si Carlo" Sabi ko rito.
Huminga ito ng malalim at ngumiti sa akin. Hinawakan nito ang aking kamay this time ay naging maamo na ang mukha nito na parang isang anghel na nakangiti sa akin. "Pinapatawad na kita" Sabi nito na labis ko ikinagulat. "Hindi rin magugustuhan ni Nanay at Tatay kung magtatanim ako ng galit sa mga taong gumawa ng masama sakin. Sabi nila wag daw ako magtatanim ng sama ng loob, yun ang turo nila sa akin nung nabubuhay pa sila na magkasama, gumawa raw ng mabuti kahit na masama ang ginaganti ng ibang tao" Sabi nito.
"Kaya naniniwala rin ako na darating ang araw na matutunan din ako ni Carlo na mahalin dahil hindi ko siya sinusukuan. Ginagawa ko ang lahat para mapansin niya ako dahil ganun ko siya kamahal" dugtong pa nito at pilit na ngumiti dahil medyo may kirot itong naramdaman ng sabihin iyon.
Nakita ko sa mga mata ni Misty na labis nga niyang mahal si Carlo kaya kahit na niloko siya nito ay patuloy parin itong nagmamahal.
Natapos ang usapan namin at nakahinga ako ng maluwag dahil napatawad ako nito sa kabila ng lahat ng kasalanan ko. Kailangan ko na lamang itama ang pagkakamali ko at makipag hiwalay kay Carlo.