[SIMON] “HINDI MO naman na kailangang sabihin sa amin ‘yon, anak,” ani nanay nang sabihin ko sa kaniya ang mga bagay na hindi ko masabi sa kung sino lang. Out of all people, si nanay lang ang nakakaintindi sa ‘kin. Alam kong sa mga bagay na tulad nito, siya ang isang taong hindi ako titignan nang may panghuhusga, at tama ako sa sinabi kong ‘yon. “Kesyo lalaki o babae pa ang ipakilala mo sa ‘kin, tanggap ko basta ang sa ‘kin lang, masaya ka sa kung sino mang pipiliin mo.” Halos maluha ako nang sabihin ‘yon sa ‘kin ng nanay. “Salamat, nay,” ani ko. Inaya niya ako ng yakap na talagang hinding-hindi ko mahihindian. “Alam kong sa lahat ng tao, ikaw ang pinaka-makakaunawa sa feelings ko at hindi ako nagkamali nang maging desisyon ko ang sabihin sa ‘yo kung ano ang totoong ako.” Day-off ko na

