“SIGURADO KA na ba sa mga balak mo?” tanong ko sa kaniya. Alam ko namang may part kay Evan na ako ang dahilan kung bakit siya aalis at wala akong magagagawa roon. Ang gusto ko lang naman ay umalis siya, kung sakali man na aalis siya, na hindi ako ang rason kung bakit niya gagawin ‘yon. “Kung sigurado ka man sa mga gagawin mo, wala naman na siguro akong ibang magagawa kung ‘di ang suportahan ka sa mga gusto mo.” “And thank you for that,” aniya at ngumiti nang mapait. “However, I am really sure of leaving the country and starting a new journey of my career in South Korea. Huwag kang mag-alala dahil nakakasiguro akong wala akong galit sa ‘yo dahil lang roon sa ginawa mo. Pinili mo lang naman ang sino sa tingin mo ang tama at walang masama roon. If I was on your position, I will do the same f

