Chapter 5 | Part 2

1607 Words
“Hindi ko naman tinatanong kung nasa’n si Simon, Evan…” ani ko sa kaniya habang umiiwas ng tingin sa kanila. Kinabahan ako bigla sa sinabi niya. Nabasa niya ba ‘yong laman ng utak ko? Itatanong ko pa lang sa kaniya kung nasa’n si Simon tapos sinabi niya sa ‘kin kaagad. Psychic ba ‘tong si Evan? I snapped a glance from him, parang wala namang suspicious sa kaniya. Baka kung ano-ano lang itong mga iniisip ko. “Nasa labas ba talaga si Simon?” Natawa si Evan. “Kakasabi ko lang, ‘di ba? Hindi ka ba mapakali?” Tinapik-tapik niya ang kaliwang balikat ko na tila tinutulak akong gawin ang gusto kong gawin. Oo, gusto ko rin namang puntahan si Simon kanina pa. Gusto ko lang maghanap ng tamang timing para tanungin kung nasaan si Simon, buti nga at naunahaan niya nang sabihin ‘yon at hindi na ako nag-abala pang mag-isip ng alibi para itanong kung nasaan siya. “Teka nga, sabi mo kasi, e… kausapin ko siya… e, ‘di kakausapin ko dahil pinilit mo ako, Evan. Sige na nga…” Pero deep inside, gusto ko naman talaga in the first place. Tumayo na ako at iniwanan si Evan sa loob ng burol ng kaniyang tatang. Dahil last night na ng burol ni tatang, mas madaming tao ang dumagsa sa bahay ni Evan. Kahit ang balkonahe ng kanilang bahay ay punong-puno ng mga taong may apat na agenda; ang unang klase ng tao ay ‘yong mga sugalero’t sugalera, pangalawa ay ‘yong mga taong umiinom lang, pangatlo ay ‘yong mga taong ang habol ay ‘yong pagkain lang at last ‘yong mga taong mga gusto talagang pumunta sa burol. Nakalimutan ko ‘yong isa… ‘yong mga taong may gustong ibang makita maliban doon sa nakaburol, at isa na ako roon. Hinagilap ko si Simon sa lugar kung saan ko siya nakita noon, pero puno ito ng tao at wala siya ro’n. Did he not come into the last night of tatang? As far as I know, he’s really closed with this grandfather of Evan. That jerk even told me that Simon was closer to his grandpa than him. Presumably, yes. Mas mabait naman na walang bahid si Simon kaysa sa kaniya. Do I still need to come to the funeral tomorrow morning? Bukod sa hindi ako puwedeng mag-absent, and my dad would really scold the hell out of me… I think Simon would also not come, his primary priorities are his family and his work. But… Simon was still close to the dead person being buried tomorrow, so I am half-half on the thought. I looked around the area again, trying to navigate where Simon is. I really am trying hard to see him today since it was the last night that I will have this stable alibi to come here but look at this, I guess I would not see him today. The sole reason why I am here being not present tonight… was also the same reason why I am already sulking. I have got nothing to do but to sit on the vacant seat, lowering my head. Is he really not going tonight? I mean, alam ko naman ang bahay nila, pero baka magmukha akong stalker kapag pinuntahan ko siya sa bahay niya. Ano ka ba, Ali? Malay mo may ginagawa lang na importante o may emergency sa bahay kaya hindi nakapunta. Mas importante pa rin ‘yong personal niyang buhay kaysa ang ipakita ang sarili niya sa ‘yo, Ali Sonata. I was just thinking about him when a guy talked in front of me. “Nandito ka pa rin pala,” aniya. Kahit na hindi ko tignan ang mukha niya, alam kong siya ang hinahanap-hanap ko simula kanina pa, pero hindi ko kayang pigilan ang sarili ko kaya kaagad ko rin siyang hinarap ulit. Ngumiti siya sa ‘kin bago siya naupo sa tabi ko. He looks fresher this night and he seems to had a great sleep before going here. “Napasobra pala ang tulog ko, kaya na-late ako sa last night ni tatang. Buti na lang at nakaabot pa ako sa tamang oras kahit papaano. Kumusta ka, Ali?” Napaiwas ako ng tingin. “Ayos lang naman…” “Palagi kang pumupunta dito gabi-gabi. Hindi ka ba napapagod magpalipat-lipat mula Maynila hanggang dito sa maliit na baryo namin?” tanong niya. Is he having a concern about me? “E, kasi no’ng isang hapon lang, nakatulog ka pa. Tapos aalis ka pa sa gabi mismo na pumupunta ka dito. Baka naman napapagod ka na. Pinipilit ka ba ni Evan na pumunta rito gabi-gabi?” I shook my head. “No one, nobody else told me to come here. It was my own will.” “Ah,” aniya at tumango-tango. He looks more relaxed talking to me now than he did before. “Last na gabi na pala ng tatang ngayon… kaya pala sobrang daming tao ang dumagsa sa gabi na ‘to. Bukas na ang araw ng libing, makakapunta ka ba, Ali?” Napakamot ako ng ulo. “Gustuhin ko man na pumunta, kailangan kong pumasok ng trabaho, Simon…” sagot ko. Tila humina ang boses ko nang sabihin ko ‘yong boses niya. “Ikaw ba?” “May trabaho rin nga ako, e… Sayang at hindi ako makakapunta sa libing ni Tatang Isko, pero satisfied na ako na nabuo ko ang siyam na araw ng burol niya. Alam niya naman na sa gabi lang ako may oras para sa mga ganito at puspos ang trabaho kapag umaga,” sagot niya at humigop ng juice na kinuha niya kanina sa hapag. “Mas’yado pa namang strikto ‘yong bago kong boss ngayon. Kaunting late lang at babawasan agad ang suweldo namin, kahit na sobrang liit na lang ng kinikita namin.” “Speaking of work, aren’t you being tired of that setup where your boss does everything he wants when all you can earn was the bare minimum?” tanong ko sa kaniya na naging rason ng pananahimik niya. “I mean, happy ka ba sa trabahong pinasok mo… na walang stable number of income and madami pang deductions?” “Hindi, siyempre, ako masaya sa trabahong mayro’n ako ngayon…” sagot niya sa ‘kin. Just that statement of him makes me sad too, as I also do not like what I am doing right now, but our cases are different. I am doing this job because my dad tells me to but he’s doing his job because that is the only way that he can use to earn money. “Pero since ‘yon lang naman ang trabahong nakuha ko sa ngayon, wala akong choice kung hindi ang sumunod na lang muna sa kung anong mayro’n. Iniisip ko na lang na swerte na ako na mayro’n akong trabaho habang ‘yong iba, wala talagang tumatanggap sa kanila.” Napatango ako. “Did you ever experienced being something that uses your body or face at work?” Tinignan niya lang ako sa tanong ko. I cannot blame him. What I asked him was a real random and weird question indeed. “I mean, do not take my question wrong. I just see you have a great body that might drool women… or men as well. I am just sole curious about that. I don’t mean anything else. And if you are not comfortable of answering, just leave the question hanging.” He looked at me, second thinking. “Marami na ang nag-alok sa ‘kin ng mga gan’yang trabaho pero hindi ko tinanggap. Sinabi ko sa sarili ko na last choice ko na ang maging callboy sa bar… kapag kailangan ko na talaga ng pera.” He looked like he was not answering the question but he still did. “Trip na trip nga ako no’ng may-ari sa bar sa kanto, e. Pero nangako ako kay nanay na hindi ko gagamitin ang katawan ko para lang makakuha ng pera… pero sabi ko nga, kapag kailangan na kailangan ng pera na, bakit hindi?” Oh well, I hope he would not be short of money from now on. “Ahh,” I said as I nodded. He sipped on his juice while he looked afar. I looked at him on the time being. He is so pure but is willing to give his all when it comes to money. Money might not be important to everybody but to this guy, this is different. And I love just how different he is to us, typical rich kids. “By any chance, do you want me to take you in our company?” Ramdam kong sandal siyang natigilan sa sinabi kong ‘yon. “Bakit? Naaawa ka ba sa ‘kin?” I was stopped at that moment. I never know he would take that as that. No, Simon, I will never. I thought he was mad but he just laughed. What is wrong? “Huwag na, Ali. Ayaw ko rin namang kumuha ng trabaho na galing sa awa. Kaya ko pa rin naman.” “Hindi sa kinaaawaan kita, Simon…” ani ko habang iniyuyugyog ang mga palad ko. “I just thought that you were having a hard time on that job and I thought of giving you something more conventional. Hindi ‘yon offer na galing sa awa, Simon, promise.” Tumango lang siya. “Sige,” sagot niya sa ‘kin at nginitian lang ako. “Pag-iisipan ko..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD