Chapter 1

1227 Words
CHAPTER 1 "P-paanong nangyari 'to, Kim? Bakit t-tumatagos lang ako sa 'yo? f**k! Am I hallucinating? Do I need to pray now? Tang ina!" Ilang mimuto na ang nakakalipas ay nanatili pa rin siyang nakalugmok sa sahig at may distansiya mula sa akin. Magulo na rin ang kaniyang buhok at bahagya na rin siyang namumutla marahil ay dahil sa takot at pagka bigla. Gustuhin ko mang ipaliwanag lahat ay hindi ko magagawa. Dahil miski ako ay hindi lubusang naiintindihan ang mga nangyayari. "John, naiintindihan kong nabibigla ka pa sa mga nangyayari pero limitado lang talaga ang oras ko. Please, call for an ambulance and direct it to my place. " Maraming minuto na ang nasayang at baka mahuli na ang lahat kapag hindi pa nagawang humingi ng tulong ni John. Kailangan na naming bilisan. Ngunit sa halip na kumilos ay sandali siyang tumulala bago ako dahan dahang tinitigan. Gusto ko siyang sigawan upang tulungan ako ngayon din pero hindi ko magawa. Gusto kong magalit dahil kahit paulit ulit na ang pakikiusap at pagmamakaawa ko ay tila wala pa rin siyang balak kumilos. Hindi ko magawang magalit dahil naiintindihan kong mahirap paniwalaan ang mga nangyayaring ito. Kung ako man ang nasa sitwasyon niya, marahil ay nawalan na ako ng ulirat. Magkagayon man ay hindi pa rin ako susuko. Ayaw kong matapos na lang nang ganoon ang lahat. I want to live. That even though i could feel something inside me which says i don't deserve to survive, i still want to give it a fight. I don't wanna give up just yet. "It's been four years, Kim. Why would I hallucinate about you just now? Damn! Maybe I'm just tired from playing and... anxious. Yeah, anxious about the bar's result! f**k, I need a shower," patuloy ang mahihinang pagbulong niya sa sarili. Batid kong sinusubukan niyang iwaksi ang katotohanang nakikita at naririnig niya ako ngayon ngunit hindi magawang hawakan. Kailangan ko ang tulong niya pero ayaw ko siyang pilitin. Ano na ang gagawin ko ngayon kung siya lang ang nag-iisang may kakayahang makatulong sa akin? Susubukan ko ulit sana siyang lapitan ngunit hahakbang pa lamang ako ay dobleng pag-atras na ang ginawa niya. Paano ko siya magagawang kumbisihin agad? Ayaw kong sumuko agad pero tila napaka imposible para sa akin na mapapayag siya o kahit ang maniwala man lang. Mabilis siyang tumayo bitbit ang kaniyang bola at patakbong tinungo ang pinto ng bahay. Kusang bumagsak ng marahan ang mga balikat ko sa naging pag akto niya. Mapait akong napangiti. Lumayo siya sa akin. Malabong hayaan niya ang kaniyang sarili na unawain ako. Base sa naging kilos niya ay... malabo... Hindi niya ako tutulungan. Sa kabila noon ay pinili ko pa rin siyang sundan dahil baka sakaling kapag nahagip muli ako ng kaniyang paningin ay maaawa siya sa akin. Nang marating ko ang kanilang sala ay wala siya roon. Marahil ay nasa taas nga upang maligo at mahimasmasan sa palagay niyay ilusyon lamang. Wala pang limang minuto ang nakalilipas buhat nang makarating ako sa sala ay narinig ko ang nagmamadali niyang mga yabag. Maging ang kalabog ng pinto ay malakas na para bang mauubusan ng oras ang taong nagsara noon. Nang mag angat ako ng tingin ay nakita ko si John na humahangos pababa ng hagdan. Bahagyang tumutulo tulo pa ang buhok at nakasuot ng puting kamiseta at pantalong kupas na asul ang kulay. Halatang nagmamadali dahil hindi niya na nagawa pang magsapatos, tanging tsinelas lamang na mamahalin ang suot. Bukod pa roon ay pasigaw siya kung sumigaw sa kausap sa cellphone. "Is this one of your godforsaken pranks, Josh?! What's the name of the hospital? Why would my mom be in an ambulance for f**k's sake?! f*****g answer me, you idiot! What?! Your line's getting chappy! If you're just making fun of me, I f*****g swear to whomever that'll make you hospitalized!" Tila dumagundong sa buong kabahayan ang boses ni John. Kausap niya pala ang matalik niyang kaibigan, si Josh. Kung ganoon ay ibinalita ni Josh na isinugod sa ospital si Tita Marie lulan ng ambulasiya? Bigla akong nabalutan ng pangamba. Ano kaya ang nangyari kay Tita? Batid ko higit ang pag-aalala ni John para sa kaniyang ina dahil hindi lamang ay liparin niya na ang daan upang makaalis lamang at mapuntahan ang ina. Mabilis ang kilos niyang lumabas ng bahay at dumiretso sa kotse. Hindi ko alam kung hindi niya ba alam na nakasunod pa rin ako sa kaniya o pinili na lamang niyang huwag pansinin dahil sa pag-aalala kay tita. Pumwesto ako sa likod niyang upuan sa kotse upang hindi na makadagdag pa sa kaniyang iniisip. Siguro nga ay nagkamali lamang ako. Na nangyari ito sa akin hindi upang makabalik ngunit para masilayan siyang muli. Iyon na nga lang siguro ang silbi ng pangyayaring ito. Kaya mas gugustuhin ko ngayong manatili sa tabi niya kaysa ipagluksa ang sarili. Dahil kahit ilang taon na ang lumipas, walang nagbago sa nararamdaman ko para sa kaniya. Siya pa rin. Siya lang. Ang karaniwang 20 minutong byahe papunta sa ospital ay nangalahati na lamang dahil sa bilis ng pagmamaneho ni John. Nang makarating doon ay kaagad siyang lumabas ng kotse at dumiretso papasok sa ospital. Doon ay nakita niya si Josh na palinga-linga sa paligid. "Fucker, where the hell is my mom?!" malakas na bungad ni John sa kaibigan. "Ang dinig ko nasa OR daw si Tita, tol. Tara bilis." Alam kong kahit na palaging nagkakapikunan ang dalawang ito ay sila pa rin ang palaging magkaramay. Lubos din ang pag-aalala ni Josh para kay Tita dahil sobrang bait nito sa lahat. Mabilis din akong sumunod sa kanilang dalawa nang takbuhin nila ang daan patungo sa operating room. Sa hindi kalayuang distansya ay doon namin nakita si Tita na nakatayo sa labas ng nasabing kwarto, kay daming dugo sa damit. Makikita ang lungkot, pag-aalala at takot sa mukha ni Tita. "Si Tita... Tol, Tita's over there!" "Mom! What happened? Bakit may mga dugo ka sa damit? I was so worried about you..." Parang hinaplos ang puso ko sa tagpong iyon. Na kahit na nais ni John na magalit ay hindi siya nagtaas ng boses sa kaniyang ina. Pinanatili niya itong malumanay. Nangibabaw ang pag-aalala. Habang ang huli naman ay kahit mababakas ang mga natuyong luha sa pisngi ay muli na namang nag unahan ang mga luha. Agad niyang niyakap ang anak kasabay ng mahihinang bulong at hikbi. Hinayaan niyang umiiyak ang ina habang hinahaplos nang marahan ang likod. Hindi niya pinilit na magsalita ito kaagad. Well, that's him. John may seem impatient and rude, but, he really is understanding and sweet. Nang kumalma si Tita ay saka siya maingat na humarap sa anak. Ilang beses pa niyang nilingon ang pinto ng operating room bago nagsalita. "I was... making my way to the parking lot when I bumped into Chris. He... told me that Kim is in vacation now and has been staying in their home for about two months. So, I... tag along with him. We rung their doorbell a lot of times, son. No one opened the door for us or even answered. We trespassed because the gate wasn't lock and so was their main door. We were able to... break the door of Kim's room, anak. And... And we saw her... laying in the cold tiled bathroom floor, head's bleeding."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD