Chapter 18

2126 Words
MARAHANG binitawan ni Kevin si Yna nang gumaan ang pakiramdam nito saka tumayo at umiwas rito bago pa niya hindi mapigil ang totoo niyang nararamdaman. " O-okay ka na ba? " nag-aalala pa niyang tingin rito pagkatapos ng mga nangyari. " Oo, pagod lang siguro ito " at nagulat na lang ito ng nasa harap na nito si Yna saka humawak sa noo niya at hinawakan din nito ang noo niya at pinakiramdaman ang temperatura nilang dalawa. " Pareho naman tayo ng init " pagkapawi ng pag-aalala niya. At hindi naman maiwasang mapangiti ni Kevin dahil sa pag-aalala niya rito. " Oo naman sabi ko naman sayong pagod lang ito kaya okay ako " pagtapik niya rito sa ulo at mabilis namang lumayo rito si Yna at naupo sa sofa nito bago na naman siya may maramdamang ano man. " E bakit ka ba nakaupo sa sahig at___ " di na nito matuloy ang sasabihin niya ng maalala ang mahigpit ritong yakap ni Kevin kaya ganon na lang ang pamumula o pagbablush niya " Totoo ba talaga yon? " tanong pa niya ng mahina saka nito hinawakan ang bangs niya pagkatapos kiligin habang nakangiti. " Ano nga ba ang ginagawa mo rito sa kwarto ko? Natakot ka na naman ba? " ani Kevin ng manahimik itong si Yna bigla dahil sa mga naisip niya at para ibahin na rin ang usapan nila. " Sa ngayon medyo nasasanay na ako kaya hindi ako natatakot at saka nakabukas naman ang kwarto mo palagi kaya tatakbo na lang ako rito kung may multo talaga " tumango naman rito si Kevin dahil sa napaka-cute nitong pagsasalita. " Mabuti naman kung ganon " natutuwa niyang tingin rito. " Ay! Oo nga pala.. ano.., ma-may gusto sana akong sabihin o ipaalam? Sa totoo niyan ayaw ko din naman kaso mapilit kasi sina April kaya kung hindi ka papayag okay lang at kung pumayag ka naman ay ganon din___ " " Ano ba yon? " pagputol nito sa kinakabahang pagsasalita ni Yna. " Eh.. nahihiya talaga akong sabihin din ito kasi hi-hindi ko naman bahay ito at nakikitira lang ako kaso makulit din kasi sina Megan at paniguradong hindi nila ako titigilan kung hindi ko gagawin kaya pumayag na lang din ako " tingin nito kay Kevin at tumango naman ito sa haba ng sinabi niya na hindi naman magawang sabihin kung ano ba talaga ang gusto nitong mangyari. " Ano yon? " tanong na lang ritong muli ni Kevin. " E kasi.. ano.., Binbin GUSTO DAW NILANG MAGGROUP STUDY KAMI BUKAS RITO " malakas nitong sabi para itago ang hiya nito. " Okay " napatingin naman ito bigla sa sinabi ni Kevin saka sinundan ng pagkislap ng mata niya. " Okay...? Talaga?! " hindi nito makapaniwalang tanong. " Oo, wala namang problema yon sa katunayan gusto ko din talagang imbitahan mo sila rito dahil mga kaibigan mo sila at gusto ko din silang makitang muli " natigilan naman si Kevin ng maalis bigla ang mga ngiti sa labi ni Yna. " Ba-bakit mo naman sila gustong makita? " may pagseselos nitong tanong habang nakakunot noo. " Syempre kaibigan mo sila so.. parang kaibigan ko na lang din sila at mukha naman talagang mababait ang mga yon " " Aba! mababait talaga sila!! " masaya pa nitong sabi pagkatapos maitindihan ang sinabi ni Kevin. " Nga pala sasama din si Oli " ganon naman ang pagtataka niya ng magulat itong si Kevin " Oo nga pala baka iniisip niyang boyfriend ko si Oli " nahihiya nitong pag-iisip saka nag-isip ng puwedi niyang maging dahilan rito " Baka iniisip niyang dumadalaw saakin si Oli gayong ang alam niya ay boyfriend ko at saka paano kung malaman niyang hindi naman iyon totoo o kaya malaman ni Oli na sinabi kong boyfriend ko siya? Naku! paniguradong kahihiyan ang aabotin ko sa alimangong iyon " naaasar nitong pag-iisip. " Kasama ba ang grupo niya? " " Oo, teka! paanong alam mong may grupo siya? " " Alam ko at saka minsan mo ng nabanggit saakin hindi ba? " napipilitan naman itong tumango. " Kung ganon naalala din ba niya nong sabihin kong boyfriend ko ang alimangong iyon? " " Ano na naman ba ang nasa isip mo? " ani Kevin dahil basang basa nito kapag kinakausap ni Yna ang utak niya mag-isa. " Ano.. si Oli " " Mhhm! anong tungkol sa kanya? " ani Kevin dahil alam niyang wala naman talagang namamagitan sa dalawa. " Sa katunayan niyan hindi ko naman siya boyfriend eh " " Alam ko " ganon naman ang gulat ni Yna sa sinabi nito saka tumingin rito. " A-alam mo? " " Oo " pagtango pa nito. " Pero bakit? Secret ko nga yon kaya paanong alam mo? " " Dahil kilala ko siya " " Si Oli? " tumango naman ito " Sa bagay sikat naman talaga ang alimangong iyon pero hindi ko lubos maisip na pati kay Binbin na puro libro at trabaho ang nasa isip at napakacool na tao ay makikilala din siya " pag-iisip nito. " Kung ganon pumapayag ka talagang magpunta sila rito bukas? " " Oo mga kaibigan mo naman sila " " Hindi ah! sa katunayan mortal kong kaaway ang alimangong iyon! " " Alimango? " " Oo, ang Oliver Fernandez na yon na mala alimango kapag naaasar dahil namumula ito " asar pa nitong pagkukwento " Wala nga siyang ginawa kundi asarin ako pero minsan mabait siya pero mas gusto kong masama siya kasi kapag nagiging mabait siya saakin ang mga fans naman niya ang umaaway saakin kaya minsan hindi ako nakakapagpigil at nakakaganti ako kaya ang nangyayari napaparusahan ako palagi gayong hindi naman ako ang may kasalanan " hindi naman mapigilang mainggit ni Kevin sa napakagandang samahan ng dalawa na sana ay naranasan niya din noong nasa edad siya ni Yna. " Sige, pagsasabihan ko siya para tigilan ka " ganon naman ang tawa ni Yna sa sinabi nito. " Wag na noh! Alam mo ang Oli na yon medyo mainitin din ang ulo at ayaw na sinasabihan kaya panigurado kung sasabihan mo siya hindi rin iyon makikinig kaya sayang lang ang laway mo " at base sa mga kwento ni Yna napagtanto niyang close talaga sila. " E anong tingin mo sa kanya? " napatingin naman siya kay Kevin sa bigla nitong pagtatanong. " Si Oli? syempre.. isa siyang alimangong nakawala sa dagat kaya palaging mainit ang ulo dahil sa sobrang init ng panahon malapit na siyang maluto " tawa pa nito kaya nakaramdam tuloy ng inggit si Kevin " Pero sa katunayan mabait naman talaga si Oli at mahilig din ng anime kaya nga kahit papaano nagkakasundo kami.. iyan ang dahilan bakit nakilala ko siya " kwento pa nito " Isang araw kasi biglang nagsigawan ang lahat habang nakatayo ako sa hall way kaya akala ko sumikat ako bigla dahil first time ko nun isuot ang hairclip kong si Doraemon na kasing laki ng palad ko kaya akala ko nagustohan nila tuwang tuwa pa nga ako yon pala nasa likuran ko si Oli saka tinanong kung anong magandang panoorin at dahil hindi ko naman siya kilala na may masasama siyang fans e tuwang tuwa ako at halos maubos na ang laway ko kakukwento sa kanya ng lahat ng animeng alam ko at nakikinig naman siya doon hanggang sa naingayan at iniwan ako at bago pa ako makabaling ng tingin muli sa mga kaschool mates ko ay pinambato na nila ako ng kung ano ano saka tiningnan ng masama at wala man lang ginawa ang alimangong Oli na yon kaya mula sa araw na yon sinumpa ko na siya dahil ayaw na akong tigilan ng mga fans niya dahil ayaw naman din akong tantanan ni Oli at sa tingin ko sinasadya niya talaga yon para awayin ako ng mga fans niya at maasar sa bagay na yon dahil ang katunayan mula ng pagbabatohin ako ng mga fans niya e binato ko din siya at yong binato ko sa kanya ay yong tumbler kong plastic na may laman na juice kaya bago pa ito tumama sa kanya e natapon rito ang juice at diretso sa mukha niya kaya doon ata nagsimula na asarin niya ako araw araw at gumanti naman ako sa kanya " mahaba nitong kwento. " Are you happy about it? " natigilan naman siya sa napakalamig na pagtatanong ni Kevin " Anyway, matulog kana " ganon naman ang pagtataka niya sa seryosong sabi ni Kevin. " O-okay.. " pagtayo nito saka tumalikod para bumalik sa kwarto niya. " Kaya mo na ba mag-isa? " tanong nito ng mapagtanto ang malamig nitong mga tingin kay Yna at hindi naman ito nagsalita pa at tumango lang. " Ano.. Leng " tawag niya pa rito pero hindi na ito lumingon. " Napakadaldal ko naman kasi kaya baka naingayan siya pero nagtatanong naman kasi siya " pag-iisip pa nito habang nahihiya. " Good night.. " napatingin naman siya kay Kevin sa sinabi nito pero agad niya ring binawi iyon ng makitang maaliwalas na rin ang mukha ni Kevin saka mabilis na naglakad at nagtungo sa kwarto niya at ngayon nakangiti na siya sa simpleng bati rito ni Kevin. Pagkwan chinat na nito sa GC nila na pumayag si Kevin. " Kung ganon mga anong oras tayo pupunta? " chat ni Megan. " 9:00AM " chat ni Lay. " Oo, mas maaga mas maganda " ani Nico. " Baka maggrocery kami ni Binbin sa umaga " chat ni Yna. " Dalawa lang kayo? " chat ni Luke. " Yna baka puweding sumama " pang-aasar na chat ni Kier. " Sama na lang kami ni Megan " chat pa ni April. " Hindi naman kami magshoshopping, mamimili ng grocery " at nagreact silang lahat ng " HAHAHA " sa chat na ito ni Yna pagkatapos maimagined ang naaasar nitong mukha. *ting( paglabas ng chat heads ni Oli sa messenger ni Yna " Ano namang problema ng isang ito " tingin nito sa chat heads ni Oli saka binuksan habang nagbabardagulan sina April sa GC at hindi na ito nakisali dahil alam niyang siya ang magiging pulotan ng mga ito. " BAKIT MO PA KAILANGAN SUMAMA MAGGROCERY? " basa nito sa nakacapslock na chat ni Oli at rereplayan niya sana ito ng e-unsent niya. " Aba! kahit ba sa chat tinutupak ang isang ito at saka sa GC hindi niya magawang magseen tas pagtitripan akong mag-isa sa messenger " pang-aaway nito sa chat heads ni Oli. " Yna anong gusto mong dalhin ko bukas " direct message rin rito ni Luke. " Isa pa ito " asar pa niyang tingin sa chat heads ni Luke. " Siguro ang hindi mo dalhin ang sarili mo rito,okay na yon " chat nito at agad namang nagreact laugh rito si Luke. " Kahit sa chat napakacute mo " natigilan naman rito si Yna. " Haist! at kahit sa chat napakababaero ng Luke na 'toh " paglike lang niya sa chat ni Luke kaya ganon naman ang titig nito sa chat niyang nilike lang ni Yna saka sinundan ng pagngiti pagkatapos makita ang madaming chats rito ng mga babae na nasa request message niya pa rin. " MAGREPLY KA! WAG KANG SUPLADA DAHIL DI KA MATANGKAD! " at ganon naman ang asar niya sa capslock typings ni Oli. " May saltik talaga! Pagkatapos mang-unsent naghihintay ng reply " asar nitong tawa saka sineen si Oli. " HUMANDA KA SAAKIN BUKAS!! " capslock pa rin ritong chat ni Oli. " Magrereply ako kapag hindi kana capslock magtype " voice message rito ni Yna at ang tagal namang nakareply nitong si Oli. " Ngayon hindi siya magrereply " paglapag nito sa phone niya saka naman nagreply si Oli pero pagtingin niya deleted na ito saka sinundan ng isa pang message. " Ang pangit ng boses mo " at sa asar ni Yna hindi na niya ito nireply at nagreact lang ng angry. " Kahit sa chat nakakataas siya ng dugo " bulong nito saka pinatong ang phone niya at pinamusic saka pimikit at pilit na natulog kahit medyo natatakot pa rin siya gaya ng sabi niya kay Kevin pero sa twuing maiisip niyang nasa kabilang kwarto lang si Kevin ay naaalis ang takot niya. " Kung ganon pupunta rin si Oli " ani Kevin pagkatapos nitong echeck kung tulog na si Yna saka nito pinatay ang phone ni Yna para patayin saka naman nagsilabasan ang notification bar na hindi nito napansin kanina. " Ang cute ng boses mo, replied by Oliver Fernandez " basa pa nito sa notify ng deleted messages kanina ni Oli na nagstay sa notification bar ni Yna kaya naman agad kinabahan si Kevin. " Kung ganon.. talaga bang gusto niya si Leng? " bulong nito saka nakaramdam ng pag-aalala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD